Pickup ng hubo’t hubad na lalaki at babae bumangga sa traffic signpost

NAHAHARAP sa mga kaso ang hubo’t hubad na babae at lalaki sa Cagayan de Oro City matapos bumangga ang sinasakyang pickup truck sa isang traffic signpost dahil umano nagse-sex habang nagmamaneho. 

Bumangga ang Hilux truck ng hindi pinangalanang magkarelasyon sa traffic signpost sa flyover sa Brgy. Carmen.  Tumagilid ang trak matapos ang insidente.

Ayon sa mga nakasaksi, lumabas na naka-hubo’t hubad ang 28-anyos na lalaki at 19-anyos na babae.

Inatasan na ni City Administrator Teddy Sabugaa ang dalawa na bayaran ang pinsalang idinulot ng traffic sign post, na pag-aari ng gobyerno.

Nahaharap din ang dalawa sa mga kosong  alarm and scandal.

Read more...