Marvel Comics creator Stan Lee pumanaw sa edad na 95

PUMANAW na si Stan Lee, ang lumikha sa mga sikat na superheroes na sina Spider-Man, Iron Man at The Hulk para sa Marvel Comics. Siya ay 95.

Ayon sa ulat ng The Hollywood Reporter, namatay si Lee sa sa Cedars-Sinai Medical Center sa Los Angeles, California last Monday.

Si Lee ay writer, editor, at publisher ng Marvel Comics na nagsimula noong 1939. Ang iba pang Marvel superheroes na nilikha nila ay sina Black Panther, X-Men, Mighty Thor, Iron Man, Fantastic Four, Daredevil at Ant-Man.

Walang detalyeng inilabas ang pamilya ni Lee kung ano ang dahilan ng kanyang pagkamatay.

Noong 2008, ginawaran ng National Medal of Arts si Lee, ang pinakamataas na parangal na ibinibigay sa mga creative artists.

Read more...