NAPAMAHAL na kay Alden Richards ang mga taong naging bahagi ng Kapuso primetime series na Victor Magtanggol.
Gustuhin man niya itong ma-extend para may trabaho sila hanggang Pasko, ay nagdesisyon na ang GMA na tapusin ito.
“Kaya lang po, maraming factors na kinunsider. ‘Yung show na papalit, ready na po. Tapos, ‘yung bakasyon ko with family, hindi ko na na-move. Saka ‘yun lang po ang days na napaalam ko last year,” sabi ni Alden.
Hanggang Friday na lang ang VM at isang heroic finale ang handog ni Alden sa mga sumuporta sa kanyang dream project. Pero wala pa siyang natanggap na balita kung matutuloy ang pagsasalin nito sa pelikula.
Ang suggestion niya sa GMA eh, gumawa ng TV special na tampok ang Magtanggol family na naging bahagi na rin ng kanyang buhay.
“Parang Christmas special, drama special na same cast para rin mai-showcase ang pagiging pamilya namin kahit hindi related sa Victor Magtanggol,” saad ng Pambansang Bae nang makausap ng press sa taping ng Victor Magtanggol.
Isa sa magandang nangyari kay Alden nang gawin ang VM ay ang pag-iidolo sa kanya ng mga bata.
“‘Yung isa sa staff namin, nu’ng thanksgiving party, may ipinakitang video ng apo niya na may difficulty sa pagsasalita. Pero naging malinaw yung salita niya nang banggitin niya ang Victor Magtanggol.
“‘Yung magandang effect sa bata, influence sa bata ang nangyari sa akin. Kasi madalas kaming mag-shoot sa isang school dito sa Sta. Ana.
“Pagsuot ko na ng costume, iba na ang effect sa mga bata. Lahat sila gustong hawakan, tuwang-tuwa sila!” pahayag pa niya.
Teka, kumusta na nga pala sila ni Maine Mendoza na natsitsismis ngayon kay Arjo Atayde?
“Mas okey po kami. Kasi ngayon, walang ilangan. Wala na pong…kasi dati pressured kami to be somebody else. Ngayon, we’re friends, we’re co-workers sa Eat Bulaga,” ani Alden.
“Para sa atin, hindi naman natin maiiwasan ang pagbabago. So ganoong aspeto, para sa akin, kung saan masaya si Maine at wala naman siyang ginagawang masama, susuportahan ko siya,” deklara ng aktor.
“So ano na ang mangyayari sa loveteam nila?
“Up to to this moment, ngayon, November 12, AlDub is still here. ‘Yung loveteam namin ni Maine, wala pong tumapos niyan. There’s always the possibility to have projects or shows together. ‘Yun ang gusto kong i-assure sa AlDub Nation, na nandito pa rin kami!” diin ni Alden.