Barbie Imperial kinuyog ng mga fans ni JM at ng ex-BF | Bandera

Barbie Imperial kinuyog ng mga fans ni JM at ng ex-BF

Cristy Fermin |November 14,2018
facebook
share this

Barbie Imperial kinuyog ng mga fans ni JM at ng ex-BF

Cristy Fermin - November 14, 2018 - 12:01 AM

JM DE GUZMAN AT BARBIE IMPERIAL

BAKIT kaya inuupakan si Barbie Imperial sa social media? At ang masakit pa ay puro personal ang banat sa young actress. Tinatawag siyang becki.

Isa si Barbie Imperial sa mga kabataang artista ngayon na napakainosente ng kagandahan. Simpleng maganda ang young actress.

Sabi ng isang nakausap namin, “Alam na this! Siyempre, ang mga umuupak kay Barbie, e, ang kampo ng ex niya! Hanggang ngayon kasi, hindi pa rin nila matanggap na ayaw na ni Barbie sa guy.

“Isa pang reason, maraming may gusto kay JM de Guzman na nasapawan niya. Lantad ang feelings sa kanya ni JM, kaya ayan, pinupuntirya siya,” pahayag ng aming source.

Kahit ang kani-kanilang pamilya ay boto sa relasyon nina JM at Barbie. Hindi man sila umaamin tungkol sa kanilang sitwasyon ngayon ay mas marami ang naniniwala na matagal nang sila.

Sa mga eksena nila sa Araw Gabi na katatapos lang ay kitang-kita naman ang tumutulay na pagmamahalan nila sa isa’t isa.

Umaarte silang nagmamahalan sa serye, pero mas malakas ang itinatawid na pagmamahalan nila sa publiko, kaya wala na silang maitatago pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending