Maymay, Edward may nami-miss gawin ngayong nasa showbiz na | Bandera

Maymay, Edward may nami-miss gawin ngayong nasa showbiz na

Ervin Santiago |November 14,2018
facebook
share this

Maymay, Edward may nami-miss gawin ngayong nasa showbiz na

Ervin Santiago - November 14, 2018 - 12:20 AM

EDWARD BARBER AT MAYMAY ENTRATA

MARAMING nami-miss gawin ang magka-loveteam na sina Maymay Entrata at Edward Barber lalo na ang mga nakasanayan na nila noong wala pa sila sa showbiz.

Sa muling pagbubukas ng Bahay ni Kuya, natanong ang dalawa kung anu-ano ang mga bagay na nami-miss nila bago pa sila maging PBB housemates noong 2016.

“Marami akong ginagawa noon na hindi ko na nagagawa ngayon. Tsaka yung feeling na mas masarap kasi yung sobrang nagpagod ka. Like feel na feel mo yung pawis.

“Tapos yung feeling na sobrang pinagpaguran mo yung ginagawa mo tapos pag na-achieve mo na, sobrang sarap ng feeling. Pareho din naman dito sa showbiz, pero iba din du’n kasi kailangan mo ng pera, kailangan mo ng pagkain, kailangan mo ng upa.

“Mas simple yung buhay noon. Yung feeling na dati, kapag may dumating na maliit na maganda sa buhay mo, mas naa-appreciate mo,” kuwento ni Maymay sa panayam ng ABS-CBN.

Para naman kay Edward, nami-miss niya ang maging regular high school student, “Mas simple yung buhay noon. Mabilis kasi yung takbo ng buhay namin ngayon. Kaya minsan you forget to really appreciate the small things. Parang, ‘Ay okay maganda yun!’ tapos next na agad. Parang ganu’n.

“Tapos na-mi-miss ko talaga yung schedule, as in yung set na schedule na from 8 a.m. to 3 p.m. school tapos by 4:30 p.m. nandu’n na ako sa bahay. Dito (sa showbiz) hindi mo alam kung ano gagawin mo next week. Minsan ganu’n. Pero you change some blessings for different things. Just learn to take it as it goes,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending