Dayanara Torres ikakasal na sa Marvel producer


IBINANDERA  ni Miss Universe 1993 Dayanara Torres na engaged na siya sa kanyang Marvel producer boyfriend na si Louis D’Esposito.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Dayanara ng litrato nila ni Louis kung saan ibinalita nga niya ang kanilang engagement.

Caption ng beauty queen-actress sa kanilang photo , “He asked & I said “YES!!! Dije que si…!!! Me siento Bendecida. Blessed to have you in our lives. #DiosEsBueno #ElTiempoDeDiosEsPerfecto #MisHijosTeAman #iLoveYou #MySoulmate #MiAlmaGemela by @symartinez.”

Kung matatandaan, naging artista at TV host si Dayanara sa Pilipinas noong ‘dekada 90 matapos manalo sa 1993 Miss Universe. Ilan sa mga pelikulang nagawa niya ay ang “Basta’t Kasama Kita” (1995), “Hataw Na” (1995), at “Type Kita Walang Kokontra” (1999).

Naging boyfriend din niya ang award-winning actor na si Aga Muhlach. Ikinasal siya sa singer na si Marc Anthony noong 2000 pero nag-divorce rin noong 2004. Meron silang dalawang anak, sina Cristian Muñiz at Ryan Muñiz.

Last year, dumalaw muli si Dayanara sa bansa para maging judge sa 65th Miss Universe pageant.

Samantala, ilan naman sa mga proyektong nagawa ni Louis ay ang “Captain America: The First Avenger” (2011), “Iron Man” (2008), at “Ant-Man” (2015).

Read more...