Andrea single pa rin: Ayokong madaliin ang love!

AYAW madaliin ng Kapuso sexy actress na si Andrea Torres ang pagkakaroon ng boyfriend. Hindi rin siya nagpapa-pressure sa mga taong nagtatanong kung bakit until now ay single pa rin siya.

Dalawa sa mga BFF ni Andrea na sina Rochelle Pangilinan at Max Collins ay may mga asawa kaya maraming tumutukso sa kanya kung kailan naman daw siya susunod.

“Ako kasi naniniwala ako na hindi mo s’ya kailangang hanapin o i-force. Darating lang siya sa perfect time na ready ka na para may time ka na rin for it,” ani Andrea sa interview ng GMA.

Read more...