Alden iwas na iwas sa relasyon nina Arjo at Maine; ayaw matawag na manggagamit

ALDEN RICHARDS

TIKOM ang bibig ni Alden Richards sa patuloy na pagkalat ng tsismis tungkol kina Maine Mendoza at Arjo Atayde.

Hindi na namin siya kinulit para kausapin nu’ng sumaglit siya sa birthday celebration ng ina-inahan niya sa showbiz na si Ai Ai delas Alas last Sunday dahil may iba pa siyang lakad at nagmamadali.

May isang veteran entertainment writer ngang gustong interbyuhin si Alden tungkol sa Maine-Arjo issue. Pero nakiusap siyang trabaho na lang muna ang kanilang pag-usapan.

Of course, hindi puwedeng makawala ang Pambansang Bae sa isyung ito. At dahil malapit siya sa ilang press, tiyak na hihingan siya ng reaction tungkol sa lovelife ni Maine.

But knowing him, magbibigay at mabibigay si Alden ng reaksyon tungkol dito, pero sa tamang panahon.

Tutok kasi siya ngayon sa pagtatapos ng Victor Magtanggol at ayaw marahil niyang maakusahan na ginagamit sina Meng at Arjo para sa promo ng serye.

Read more...