Epal na aktres malikot ang kamay, pati gamit sa CR tinangay | Bandera

Epal na aktres malikot ang kamay, pati gamit sa CR tinangay

Cristy Fermin |November 13,2018
facebook
share this

Epal na aktres malikot ang kamay, pati gamit sa CR tinangay

Cristy Fermin - November 13, 2018 - 12:15 AM

PINAKAKAIN ngayon ng alikabok sa social media ang isang female personality na sobra-sobra yata ang panahon kaya napakabilis manghimasok sa buhay ng may buhay.

Bigla na lang sumusulpot dito ang nasabing aktres para umarte, gusto niyang maging kapaki-pakinabang ang kanyang pagbabakasyon, kaya basta nandito siya ay gumagawa siya ng paraan para mapanood siya sa telebisyon.

Kuwento ng aming source, “Pakialamera ang babaeng ‘yun! Nakakapag-isip tuloy kung meron siyang pinagkakaabalahan sa ibang bansa. Ang tao kasing busy, e, hindi nakikisawsaw sa kung anu-anong issue!

“Siya ang female version ng isang male personality na matapang lang dahil milya-milya ang layo niya sa Pilipinas, lahat na lang, e, bina-bash niya, pakialamero ang bansuting aktor na ‘yun!

“Dapat silang pagbuhulin dahil pareho silang mapanghimasok sa buhay ng may buhay, negang-nega sila, kung anu-ano ang ikino-comment nila sa mga nangyayari dito sa atin,” buwena manong chika ng aming impormante.

Maraming kuwento tungkol sa babaeng personalidad. Maraming nakatrabao niya nu’n ang magpapatotoo na ilang beses na siyang nadyu-“Julie Andrews” na may ginagawang kabalbalan sa set ng pelikulang ginagawa niya.

“Kilalang-kilala nila ang kakatihan ng kamay ng babaeng ‘yun. Nu’ng mag-pictorial sila para sa mga promo materials ng movie na ginawa nila, e, inireklamo siya ng mga kasambahay ng isang photographer.

“Paano, nu’ng gumamit siya ng CR sa studio, e, biglang nangawala na ang mga naka-display na kung anik-anik du’n na toiletries.

“May naka-assign kasing bantay sa CR ang owner ng studio, napakarami nang gumamit nu’n na wala namang nawawala, intact ang kanilang mga kagamitan sa CR.

“Pero nu’ng ang girl na ang gumamit, nalokah ang bantay, biglang na-lost in space ang mga display nila. E, maydala siyang malaking bag nu’n, kaya kinabahan ang maid-of-cotton, siya lang at wala nang iba pa ang gumetlak ng mga nawawalang toilet stuff!

“Kaya magtigil siya! Huwag siyang nakikialam sa buhay ng mga taong nananahimik at hindi naman siya sinasaktan! Marami siyang iniwanang kakuwanan dito sa atin!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Feeling kasi ng babaeng ‘yun, e, napakalaki ng naiambag niya sa movie industry! Hoooooy!!!! Magtigil siya, ‘no! Ni hindi na nga matandaan ng mga kababayan natin ang mga nagawa niyang pelikula!” nakataas ang kilay na pagtatapos ng aming source.

Napakaigsi lang ng name niya, di ba, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending