Du30 diretso sa Papua New Guinea mula Singapore para sa APEC

NAKATAKDANG dumiretso si Pangulong Duterte sa Papua New Guinea mula Singapore para dumalo sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Forum sa Port Moresby, Papua New Guinea mula Nobyembre 17 hanggang Nobyembre 18 kung saan 20 pang iba’t ibang lider sa buong mundo ang dadalo.

Sa isang briefing, sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Ernesto Abella na ito ang unang pagkakataon na magiging host ang Papua New Guinea ng APEC.

“Papua New Guinea plays host to APEC for the first time since joining the forum in 1993; for its part, the Philippines played host to APEC in 1996 and 2015. Papua New Guinea is interestingly home to over 40,000 Filipinos and over 200 Philippine companies operate in the country,” sabi ni Abella.

Idinagdag ni Abella na inaasahang ding makikipagpulong si Duterte sa Filipino Community habang nasa Papua New Guinea.

“Yes, there’s a planned Fil-Com meeting with the approximately 40,000 Filipinos based there. He is scheduled to meet up with them,” sabi ni Abella.

Bago ang APEC, dadalo muna si Duterte sa 33rd Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) Summit sa Singapore mula Nobyembre 12 hanggang Nobyembre 16 kung saan nakatakdang umalis ngayong hapon.

Kabilang sa delegado para sa ASEAN ay sina Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr., Finance Secretary Carlos Dominguez, Defense Secretary Delfin Lorenzana, Trade Secretary Ramon Lopez, Social Welfare Secretary Rolando Joselito Bautista, National Security Hermogenes Esperon, Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, Communications Secretary Martin Andanar, Philippine Permanent Representative to ASEAN Elizabeth Buensuceso at Philippine Ambassador to Singapore Joseph Del Mar Yap.

Read more...