HINDING-HINDI makakalimutan ng award-winning actor na si Christian Bables ang payo ng kanyang idol na si John Lloyd Cruz noong magkausap sila tungkol sa showbiz.
Isa na ngayon ang binata sa mga sinasabing next important leading man sa mundo ng pelikula dahil nga sa sunud-sunod na tagumpay ng mga nagawa niyang proyekto nitong mga nakaraang taon.
Bukod sa mga acting awards na nakuha niya rito sa Pilipinas, nagwagi rin siya bilang Best Actor sa nakaraang Hanoi International Film Festival para sa pelikula ni Chito Roño na “Signal Rock.”
Ayon sa binata, hindi niya hinahayaang pumasok sa ulo niya ang tagumpay na tinatamasa niya ngayon, “Sobrang tumatak sa akin yung sinabi ni kuya John Lloyd sa akin. ‘Ang awards, awards lang yan. Karangalan siya, pero hindi siya ang magde-define sa akin bilang isang aktor.’
“Yung diligence ko pa rin, yung passion ko, yung sipag ko towards my craft, towards ac-ting, ang mag-de-define sa mga susunod ko pang mga projects,” pahayag ni Christian sa nakaraang presscon ng bago niyang pelikula, ang romcom na “Recipe For Love” under Regal Entertainment.
Dugtong pa niya, “Yung awards ngayon lang yan. I’m just as good as my last work. Kagaya nu’ng sa Urian, MMFF, Luna Awards, hindi ko siya iniisip. Basta kung darating, darating. Kung hindi, okay lang. Kumbaga I am still building my name, my image.”
Bukod sa mga filmfest sa Asia, susubukan din ng “Signal Rock” na lumaban sa iba’t iba pang bansa, “Ayon sa mga ki-nauukulan, sure na kasali sa Golden Globes. We got invited for a screening so it’s already for awards consideration. Yung sa Oscars, yun ang hindi ko pa sure, ipinadala pa lang as Philippines’ entry.”
Samantala, matapos ngang mag-heavy drama sa “Signal Rock”, muling sasabak si Christian sa comedy at pakilig movie na “Recipe For Love” under Regal Films kung saan gaganap siyang chef na mai-in love sa isang vlogger na gagampanan ng seksing model na si Cora Waddell, dating PBB housemate.
Paano ang ginawa niyang atake sa kanyang role na kaila-ngang magpakilig naman ng manonood?
“Nilagyan ko ng puso gaya sa lahat ng character na ginagawa ko, mapadrama o mapa-comedy. Para akong naglalaro na lang sa set kasi sobrang tiwala nila sa gagawin ko doon sa character ko kung paano siya isasabuhay.
“Hindi malayo sa akin yung role. Yung sense of humor ko malakas din naman talaga. Mahilig ako magpatawa sa mga kapatid ko at sa mga kaibigan,” chika pa ng binata.
In fairness, mukhang promising naman ang “Recipe For Love” base sa trailer na napapanood natin sa TV at social media. Bukod sa mga nakakalokang eksena nina Christian at Cora, siguradong may kanya-kanya ring pasabog ang iba pang members ng cast tulad nina Myrtle Sarrosa, Enrico Cuenca at Sophie Albert na nag-iingay ngayon bilang kikay na kabit ni Rocco Nacino sa Kapuso series na Pamilya Roces.
Showing na ang “Recipe For Love” sa Nov. 21 nationwide sa direksyon ni Jose Javier Reyes.
Samantala, sa tsismis namang nagparetoke raw siya ng ilong dahil sumobra naman daw ang tangos nito, natawa muna si Christian sabay sabing, “Diyos ko po. To tell you ho-nestly, medyo nakakatawa na lang kasi may mga ganito pero though I don’t have to explain, my mom is Spanish. My lolo is pure Espanyol.
“Kung makikita niyo ang ilong ng lolo ko, naku mas matulis. Kayang makahiwa ng cake sa tulis. Nagkataon lang si-guro na yung tatay ko ay Indian so naghalo,” aniya.
Noong bata pa raw siya, “Pinocchio” ang tawag sa kanya sa school, “Nakakatawa na dito lang sa Pilipinas kinukuwestiyon yung ilong. Nakakatawa. Aminin natin at sa hindi, bakit kaya ganu’n ang mga Pinoy? Na makakita ng unusual na, ‘Ah mukha siyang foreigner! Gawa kaya yung ilong niyan or hindi?’
“Kahit naman mag-before and after photo sila ganito pa rin ang makikita nila, eh. Kahit ipakita ko yung picture nu’ng bata ako. I cannot believe I’m defending my nose, di ba?” tawa pa nang tawang sabi ni Christian.