‘Dapat daw idemanda kami ng plagiarism…’

ALDEN RICHARDS AT MAINE MENDOZA

GIGIL much sa amin si Mark Manalo sa Twitter.

Puwede raw kaming kasuhan ng plagiarism for lifting some of his posts and some posts of other AlDub fans.

Kami plagiarist? Hey, Mark, this is what plagiarism is all about according to Wikipedia: “Wrongful appropriation” and “stealing and publication” of another author’s “language, thoughts, ideas, or expressions” and the representation of them as one’s own original work.”

Kuya, kung plagiarist kami, eh, di lahat ng writers, bloggers and columnists na nagli-lift ng posts ng celebrities o fans sa social media – Instagram, Twitter and fAcebook – ay plagiarist din.

Nakapag-aral ka ba, Mark? Do you know the term attribution? Hindi ko naman sinasabi na sa akin ang mga posts.

Do you know why we’re posting netizens’ reactions to showbiz issues? We want to empower them. We want to make public their sentiments at kasama ka na doon.

Ang isipin mo ay kung paano ko nakukuha ang mga posts mo. Hindi ka ba nagtataka kung bakit ang mga hanash ng AlDub fans ay nakukuha ko nang walang kahirap-hirap. Suspended na ang Twitter account ko but I still get your posts. Isn’t that amazing?

Read more...