Sigaw ng AlDub fans: Pagde-date nina Maine at Arjo pang-promo lang sa ‘Jack Em Popoy’


PAWANG panakaw ang mga kuha kina Maine Mendoza at Arjo Atayde kapag nakikita silang magkasama sa mga pampublikong lugar.

Ang latest nga ay nang magkasama silang nanood ng concert. Kaya ang tanong ng marami, hindi ba puwedeng diretso ang kuha sa kanila para hindi na mahirapan ang kumukuha?

Orchestrated ba ito na bawat lakad nila eh, stolen ang litrato? Kaya naman ang fans nina Maine at Alden Richards ay humihiyaw na baka raw pang-promo lang ang ginagawa nilang dalawa dahil nga may pelikula sila.

Magkasama sa 2018 MMFF movie na “Jak Em Popoy” sina Meng at Arjo. At sa latest stolen shot nila na lumabas sa social media ay nakalantad na ang buong mukha nila, huh!

Naku, wag magtaka kung one of these days eh, maging guest si Arjo sa Daddy’s Gurl ng Kapuso Network.

Produksyon ito ng M-Zet TV at APT Entertainment at one time deal lang ‘yon para sa pelikula nila kaya walang sabit ang Kapamilya actor sakaling mag-guest sa sitcom nina Meng at Vic Sotto.

Parte na ng pagpapaingay ng ipalalabas na movie ang pagli-link sa mga artista whether we like it or not!

Read more...