Vice ibang ligaya ang nararamdaman kapag kasama si Abueva; pero biglang nalungkot

VICE GANDA AT CALVIN ABUEVA

SIGURADONG  malungkot din ngayon si Vice Ganda, nakikisimpatya siya sa kalungkutan ni Calvin Abueva, dahil nalaglag sa semi-finals ng PBA ang team ng basketball player nang talunin sila ng Meralco Bolts.

Todo pa naman ang suporta ng sikat na komedyante-TV host sa Phoenix Fuel Masters kung saan pambatong player si Calvin na maromansang idinidikit ang kanyang pangalan ngayon.

Kahit sobrang busy si Vice sa ginagawa niyang pelikula para sa MMFF at sa pagho-host sa It’s Showtime ay nirarambol-rambol niya ang kanyang mahalagang panahon para lang makapanood ng PBA kapag may laro ang bruskong si Abueva.

At hindi niya itinatago ang kung anumang meron sila ni Abueva, tinutukso siya ng kanyang mga co-hosts dahil mukhang masayang-masaya raw siya ngayon, nagsusuot pa nga siya ng jersey na 88 ang numero na hawak ni Calvin sa Phoenix ngayon.

At hindi rin siya nagtatago ng mga pagsasama nila ni Abueva sa mga bar kapag pareho silang may panahon. Halos magkapalitan na sila ng mukha sa sobrang pagkakadikit nila sa mga retrato.

Bakit nga naman ba? E, kung sa maligaya siya kay Calvin Abueva? Maibibigay ba ng iba sa kanya ang kaligayahang nararamdaman niya ngayon kapag kausap-kasama niya ang magaling na basketbolista?

Saging lang ba ang may puso?

Read more...