Fans nina DANIEL at KATHRYN nagreklamo sa di pagpapalabas ng Got To Believe

Kaliwa’t kanan ang natatanggap naming mensahe buhat sa sangkaterbang fans nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, bakit daw hindi natuloy ang airing ng Got To Believe kahapon kasabay ng pagbubukas ng Muling Buksan Ang Puso nina Enchong Dee, Enrique Gil at Julia Montes.

Sa pagkakaalam kasi namin ay nakakadalawang taping days palang ang Got To Believe ayon mismo kay direk Cathy Garcia-Molina.

Marahil ay sinadyang hindi muna iere ang nasabing serye nina Daniel at Kathryn dahil walang makuhang magandang timeslot dahil hindi naman pupuwedeng maging kapalit ito ng Apoy Sa Dagat dahil masyado nang late, e, mga estudyante ang target audience ng Got To Believe.

Hindi naman puwedeng mag-give way ang Juan dela Cruz ni Coco Martin pagkatapos ng TV Patrol dahil mga estudyante rin ang nanonood dito.

Ito rin ang dahilan kung bakit mas late ng kaunti eere ang Huwag Ka Lang Mawawala nina Judy Ann Santos at Sam Milby dahil medyo sensitibo ang tema nito.

Optimistic naman ang Dreamscape Productions na kahit napunta sa late timeslot ang HKLM na patuloy pa rin itong tututukan ng viewers dahil hook na hook na sila sa kuwento nina Anessa at Eros.

Read more...