Nagsimula ang apoy sa isa sa mga bunker sa Naval Ordnance Depot dakong alas-5:30, sabi ni Navy spokesman Cmdr. Jonathan Zata.
Laman ng naturang bunker ang mga bala sa maliliit na kalibre ng baril, pati na mga bala ng M203 grenade launcher at smoke grenades, ani Zata.
Nakontrol ng mga tauhaan ng Navy, Air Force, at Bureau of Fire Protection ang apoy alas-7:45 at nagdeklara ng “fire out” alas-7:53.
Walang naiulat na nasugatan, ngunit inalerto’t inabisuhang lumikas ang mga nagtatrabaho sa mga kalapit na tanggapan at residente ng on-base housing, ani Zata.
Inaalam pa ang sanhi ng apoy, aniya.
MOST READ
LATEST STORIES