Cora Waddell umaming buntis, gwapong model ang tatay


BUNTIS  na nga si Cora Waddell, ang leading lady ni Christian Bables sa upcoming Regal movie na “Recipe For Love.”

Unang movie ni Cora ang “RFL” at natagalan nga bago ito ipalabas. Bulung-bulungan nu’ng simula na nagpakasal na si Cora at ngayon nga ay buntis na.

Lumutang ang commercial model sa grand mediacon ng movie pero larawan siya ng kaligayahan sa kalagayan niya ngayon. Ayon sa future mommy, isa ring modelo gaya niya ang tatay ng kanyang magiging baby.

“I will still pursue my showbiz career,” tugon ni Cora kung hihinto na siya sa pag-arte kapag nanganak na.

Hayan, lumutang na si Cora, huh! Wala siyang keber kung maging isyu man sa kanya ang pagiging preggy, huh!

READ NEXT
Real treasure
Read more...