Nash Aguas muling hinamon sa ‘MMK’


TILA mag-isang mamumuhay si CJ Reynaldo (Nash Aguas) dahil sa kapansanan sa pandinig at pananalita sa isa na namang espesyal na episode ng Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado ng gabi sa ABS-CBN.

Sa kabila ng suporta ng mag-asawang Jane (Eula Valdez) at Rey (Ariel Rivera), mahihirapan ang anak na nabubuhay sa mundong tahimik kung saan walang lubos sa kanyang nakakaunawa.

Magiging bayolente at mapanakit si CJ at dadanas ng matinding depresyon. Tanging ang pagguhit ang nagsisilbing paraan nito para maibahagi ang sarili.

Mahihirapan ding makisabay si CJ sa kursong Fine Arts lalo na’t nakakarinig at nakakapagsalita ang kanyang mg kaeskwela at guro.

Samantala, minabuti ni Jane na tumutok sa pamilya at mag-enroll sa special courses para lalong magabayan ang anak.

Matutumbasan ba ng pagmamahal ng pamilya ang pinagdaraanang pagsubok at paghihirap ni CJ?

Magwagi kaya sa huli ang pagpupursigi ni CJ na makapag-aral sa normal na paaralan?

Kasama rin sa MMK episode na ito si Yñigo Delen, sa direksyon ni Mervyn Brondial, at panulat nina Mae Rose Balanay at Arah Jell Badayos.

Tutukan ang muling pagsabak ni Nash sa pagdadrama sa longest-running drama anthology sa Asya, ang MMK, na napapanood pa rin tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN hosted by Charo Santos.

Read more...