ISANG panukala ang inihain sa Kamara de Representantes upang i-regulate ang mga performance enhancing drugs na inihahalo sa mga inumin ng mga atleta.
Ayon kay House Deputy Majority Leader and Antipolo City Rep. Cristina Roa-Puno dalawang taon na lamang bago ang susunod na Olympics kaya dapat ay maging mabilis ang pag-aksyon ng gobyerno laban sa mga performance enhancing drugs na maaaring ikatanggal ng mga atleta.
Sa kasalukuyan ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ay nakatuon lamang umano sa mga kilalang droga gaya ng shabu at cocaine.
“When we think about doping, we immediately think drugs, but substances banned by the World Anti-Doping Agency (WADA) can also be found in dietary supplements and may even be in grocery and food items found in health food stores and online. This is why it is important that we act fast and safeguard our athletes from these banned substances,” ani Puno.
Magugunita na sinuspindi ng FIBA ang national player na si Kiefer Ravena ng 18 buwan matapos lumabas sa random drug test na uminom siya ng “substance” na ipinagbabawal ng WADA.
Sinisi ni Ravena ang pre-workout drink na “DUST” na hindi niya inakalang naglalaman ng kemikal na ipinagbabawal ng WADA.
Sa kanyang House Bill 8544 sinabi ni Puno na gagawa ng batas na alinsunod sa UNESCO International Convention Against Doping in Sport upang mahigpitan ang pagpasok ng mga inumin at pagkain na mayroong performance enhancing drugs.
Itatayo rin ang Philippine National Anti-Doping Organization, isang independent body na magiging responsable sa anti-doping programs ng bansa.
MOST READ
LATEST STORIES