Payuhan ninyo si Kris, puwede?

NILUSOB daw ni Kris ang napapabalitang (tsismis) babae ni James sa bahay nito sa Pasig at sumigaw sa labas ng gate at nagbitiw ng masasamang salita sa babae at ina nito.  Hindi nakakibo ang mag-ina, na nagulat at parang binaba ng aswang habang inaasikaso nila ang kanilang mga bisita sa pagtitipong ginaganap sa bahay.  Umiyak na lang ang babae.
Yan si Kris, endorser ng kapatid niyang si Noy.  Kung tsismis ang balita na may babae si James, aba’y hanapbuhay ni Kris ang tsismis.  Nabubuhay siya sa tsismis at relasyon ng kapwa artista na kailangang kiligin, maintriga o tumili ang mga nasa studio kapag ibinubuking ng Kris ang tsismis o relasyon, kundi’y hindi lalabas na “exclusive” ng The Buzz at SNN ang dala ng matatabil na dila (bakit nga ba ganito na ang showbiz natin?  Di gaya noong ’60s na iginagalang pa ang mga artista’t huwaran ng kabataan.  Kung ikaw’y may anak na babae, puwede bang huwaran si Kris?).
Tila napakarami na nga ng problema ni Kris.  Puwede ba natin siyang tulungan kahit nagdududa na kayo kung karapat-dapat pa ba siyang endorser ni Noy?

LITO BAUTISTA, Executive Editor
BANDERA, 011510

Read more...