Dear Ateng,
Thirty five years old na ako at nagyatrabaho sa isang kompanya dito sa Makati.
Sa edad kong ito ay nakikitira pa rin ako sa bahay ng mama ko. Hindi naman sa hindi ko kayang umupa at kumuha ng sarili kong bahay. Ang problema ay ayaw akong paalisin ng mama ko.
I appreciate naman po yung mga ginagawa niya sa akin being her only daughter. Ang kaso may mga bagay na gusto akong gawin na di ko magawa kapag andon ako sa bahay namin gaya nang magdala ng mga kaibigan for a sleep over o kaya yung boyfriend ko.
Medyo may pagkaintrimitida kasi si mama at ilang beses na akong napahiya sa ilang barkada dahil sa ugali niya. Tama bang lumipat na ako my bahay ay bumukod na. Hindi ko naman siya iiwan, gusto ko lang nag space tutal nasa hustong edad na ako. Matagal ko na nga sana ito ginawa.
Lin, Mandaluyong
Sabi mo mga 35 years old ka na, pero hanggang ngayon nakokontrol pa rin ng mas maldita mong nanay ang isip mo at buhay mo.
And again, wala naman sigurong masamang intensyon ang nanay mo para sa iyo.
Siguro, kulang lang sa pansin mo si Mader. Nasa edad na kayo na sana ay hindi llang mag-ina, amo at tsimay ang relasyon ninyo. Sana ume-effort ka rin na maging friend si mudrakels.
As much as gusto mong makapag sleep over ang mga friends mo diyan sa bahay ninyo, nagawa mo na bang mag out of town na sleep over na kayo lang ni Mader? Yung kahit chipipay na hotel lang pero bongga ang beach at galaan kinabukasan?
Nagawa mo na bang makipagbonding kay mader na wala kayong iniisip na iba?
Syempre bilang only daughter, nakikita ka nya na extension ng sarili niya. So why not bigyan ng pansin si mudra.
Magsimula ka sa mga pa lunch-lunch o dinner ng mga friends mo, isa o dalawang putahe iluto ninyo ni mader para naman makilala at masanay siya sa mga friends mo.
Si boypren, pagtsismisan nyo ni mader! Pag usapan nyo kung may future ka ba sa kanya, kung malaki ba ang ano…sweldo, pangarap, at bahay. Mga ganun ba. Gawin mong fun ang relasyon n’yo ni mader.
Sa palagay mo ba pag bumukod ka di ka susundan ng intrimidita mong nanay?! Gudlak sa yo neng!
Kaya kausapin, kaibiganin, aliwin, ipagbukas ng de lata, paypayan, bunutan ng buhok sa kili-kili at sa ilong, masahihin, ipagtimpla ng iced coffee, isama sa zumba, manood ng jologs na movie, i-set up sa mga senior citizen, ubusin ang pension niya kaka shopping! Gawin lahat para maging magkaibigan kayo ni mader.
Alam kong mapagmahal kang anak, at ituloy mo yan. After all hindi na naman magtatagal si mader syempre, let’s face it. Kaya make the most of it di ba. Continue to honor and love and enjoy her.
PS: Yung mga masasamang damo, matagal daw ma tsugi, kaya bilang intrimidita si mader, feeling ko magtatagal syang gawing kalbaryo ang buhay mo pag di mo sya minahal! Harharharhar!!