Kalendaryo ni Regine punumpuno na ng mga bonggang proyekto sa 2019

REGINE VELASQUEZ

Well, kaya naman hindi rin natin masisisi si Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid kung feeling niya ay parang nagsisimula uli’t siya at parang nanganganay sa pagbabalik niya sa ABS-CBN.

“Lalo na sa panahon ngayon na social media is really part of everything. Sino ba ang mag-aakalang sa edad kong ito ay naaapektuhan pa rin ako ng mga bashing and not so pleasant words sa social media?” sey ni Regine during the press launch of her upcoming series of shows entitled “Regine At The Movies.”

Sa halos apat na dekada na rin ng Songbird sa showbiz at bilang isa na ring icon sa industriya, marami pa rin pala siyang gustong gawin sa kanyang career.

“Kaya nga sa ABS-CBN, sa dami ng mga gusto kong makatrabaho, would you believe na halos puno na ang 2019 calendar namin? If that is not a good blessing, ano pa ba ang tawag diyan,” ang tila nang-iinis pa nitong pang-inggit sa kanyang haters and bashers.

Sa kabila ng walang patumanggang pang-aalipusta sa kanya sa social media, hindi na raw niya itutuloy ang planong pagdedemanda.

“But we are planning on something. Hindi lang ako, pati na rin yung ibang artists na gusto na ring protektahan at alagaan ang anumang naiambag o nagawa nila sa kanilang profession. We’re planning to put up a group that will somehow protect us from social media bashers and the like.

“Ile-level up na rin namin yung pagharap sa mga isyu sa socmed. Magtatayo kami ng parang complaint group to make things easier for us if ever na magdesisyon kaming mag-file ng legal action,” sey pa ni Regine.

Kesa nga naman problemahin nila ang sumagot at magdemanda sa mga walang kuwentang bashers and cyberbullies, “We will just have to do our thing gaya nitong concert ko. Ha-hahaha!”

Tatlong gabi tatakbo ang “Regine At The Movies” concert na magsisimula sa Nov. 17 kung saan magiging special guest niya si Piolo Pascual, habang si Sharon Cuneta naman ang makakasama niya sa Nov. 24 at si Daniel Padilla naman on Nov. 25. Imagine, more than 50 songs ang inaaral ngayon ni Regine tatlong iba’t ibang repertoire ang hinanda niya para sa tatlong gabi ng kanyang concert.

Magaganap ito sa New Frontier Theater sa Cubao, Quezon City (dating KIA Theater).

Read more...