Hamon kina Maine at Arjo: Umamin na kayo, para hindi na umasa pa ang AlDub Nation!

ARJO ATAYDE AT MAINE MENDOZA

MAY nag-post ng photo na kuha sa eroplano which showed Arjo Atayde. Sinasabing pareho ng eroplanong sinakyan sina Arjo at Maine Something nang magtungo sila sa Bali, Indonesia.

“Hala panu na ba talaga to, coincidence pa rin ba to? Magkasabay papuntang Bali, Indonesia ang 2?” caption sa photo ng isang fan.

Siyempre, marami ang nag-react.

“Bakit pa kasi sila magtatago akala ko ba hindi siya takot kahit sampu na lang fans niya bakit kaya di na lang aminin na jowa na niya si Arjo para matapos at hindi na rin aasa mga ADN noh.”

“Katwiran po yan ng ayaw tumanggap ng katotohanan at nagbubulag bulagan. Napakalinaw na nga, ayaw pang bumitiw sa maling paniniwala.”

Until now ay wala pang nagsasalita kina Arjo at Maine kung nasaang level na ang kanilang relationship. Are they friends or are they lovers?

But it’s obvious that they’re now keeping their friendship a secret as they allow people and fans to see where they’d been.

If they’re dating, well and fine. If they’re now a couple, okay lang ‘yon. They’re both single naman and ready to mingle.

Kaya lang, there is the AlDub tandem that fans are worried about. Ang kailangan siguro ay tanggapin na lang ng lahat na friendship is all there is between Alden and Maine. Kahit maglupasay pa kayo, kahit lumuha kayo ng dugo, it is very obvious na sister lang ang turing ni Alden kay Maine. Hindi niya ito type.

Iba ang gusto niya.

Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Read more...