Nash, Sharlene nagpaka-action star sa ‘Class Of 2018’

NASH AGUAS AT SHARLENE SAN PEDRO

HINDI nabigo ang fans nina Nash Aguas at Sharlene San Pedro na masaksihan ang husay sa pag-arte ng kanilang mga idolo matapos mapanood ang teen suspense-thriller na “Class Of 2018” mula sa T-Rex Entertainment sa premiere night nito last Tuesday sa Trinoma Cinema 7.

Of course, pagdating sa aktingan, wala nang duda ang husay ni Nash. Pero ang sorpresa rito ay ang husay ni Sharlene sa maaaksyong eksena, huh!

Pero meron din siyempreng sweet moments ang dalawa kaya naman walang ginawa ang NashLene fans kundi magtilian at magtuksuhan sa tuwing may panakaw na lambingan ang dalawa sa pelikula, huh!

Kahit marami ang members ng cast, nabigyan naman ng moments ang lahat, lalo na nang ikulong na sila sa isang facility at isa-isang hinarap ang mga kalaban.

Panalo rin ang mga agaw-eksenang hirit ni Kiray Celis na gumaganap naman bilang malditang kaklase nina Nash at Sharlene. Showing na ang “Class Of 2018” sa mga sinehan sa direksyon ni Bebs Gohetia.

Read more...