Kobe Paras may hugot sa mga taong manggagamit


MAY hugot ang utol ni Andre Paras na si Kobe sa mga taong tinawag niyang “user-friendly”.

Ayon sa anak ng dating couple na sina Benjie Paras at Jackie Forster, dapat daw mag-ingat sa mga manggagamit at huwag basta-basta magtitiwala.

Sa kanyang Twitter account, nag-post ang player ng UP Maroons ng mensahe tungkol dito na ipinost din niya sa kanyang Instagram Story.

Aniya, “Most people these days gon love you for what you are, and not for who you are. That’s why be careful who you trust.

“People will only be by your side when you’re useful for them.”

Sa isa pang Instagram post ni Kobe, nag-share rin siya ng photo kasama ang mga kapatid sa ina na may caption na, “My whole [world emoji].”

Komento naman ni Jackie, “We miss you soooo much! But I’m excited for you and your holidays [Christmas tree emoji] and also the future for us all! Day by day my love.”

Samantala, may mga netizens naman ang nagsabi na sana raw ay mag-artista na rin si Kobe dahil pasadung-pasado rin siyang maging leading man.

Suggestion pa nga ng isa niyang follower, sana raw ay magkasama sila sa isang project ng kanyang kapatid na si Andre. Siguradong papatok daw sa mga manonood sakaling magsama sila sa isang teleserye ng GMA 7.

Read more...