SSS payment in-extend

By Liza Soriano November 07,2018
share this

SSS payment in-extend

By Liza Soriano November 07,2018
share this

INANUSYO ng Social Security System ang pagbabago at pagpapahaba ng deadline sa pagbayad ng kontribusyon sa mga buwan ng Enero hanggang Disyembre ng 2018 para sa lahat ng mga miyembro ng SSS, maliban sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs)- members.

Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Emmanuel F. Dooc, binago ng Social Security Commission ng SSS ang deadline ng pagbayad ng kontribusyon sa inilabas na SSC Resolution No. 28.s-2018.

Napagdesisyunan ng ahensiya na baguhin ang payment deadline para sa mga employers at mga miyembro para mapagbigyan ang mga may nais na magbayad ng kanilang buwanang kontribusyon ngunit bahagyang naapektuhan dahil sa naunang implementasyon ng Real-Time Processing of Contributions o RTPC program, kung saan kinakailangang i-update ang kanilang impormasyon sa SSS at kumuha ng payment reference number o PRN bago sila makapagbayad.

Base sa SSS Circular 2018-022, ang deadline ng pagbayad ng kontribusyon para sa mga empleyado ay nabago mula sa kasalukuyan nitong schedule, na base sa ika-sampung digit ng labintatlong digit ng SSS number ng employer, hanggang sa katapusan ng sumunod na buwan.

Halimbawa, ang employer na kinakailangang bayaran ang mga kontribusyon ng kanyang mga empleyado para sa Oktubre 2018 ay maaaring magbayad hanggang sa katapusan ng Nobyembre 2018.

Samantala, ang mga household employers at mga indibidwal na miyembro naman ay maaaring magbayad ng buwanang kontribusyon hanggang sa katapusan ng taon.

Dahil sa ang huling araw ng Disyembre 2018 ay idineklarang walang pasok, ang deadline ng pagbayad ay mas pinahaba pa hanggang sa Enero 2, 2019. Ang mga kontribusyon para sa huling quarter ng 2018 ay maaaring bayaran hanggang Enero 31, 2019.

Paalaala sa mga miyembro at mga employer na nagbayad ng maaga: ang mga kontribusyon lamang nila bago ang buwan ng pangyayari para sa pagkukha ng kanilang benepisyo ang isasaalang-alang sa kompyutasyon ng benepisyo, habang ang mga sumunod naman ay maaaring ibalik kung sakaling may final claim o di kaya’y isama sa hinaharap.

Habang isinasagawa ang mga pagbabago sa sistema at deadline ng pagbabayad ng kontribusyon, maaari silang pumunta sa mga Automated Tellering System sa mga tanggapan ng SSS para sa kanilang pagbayad.

Sa ilalim ng Real-Time Processing of Contributions program, kinakailangan ng miyembro na kumuha muna ng PRN bago magbayad ng kontribusyon, na agaran naman maitatala sa sistema. Dahil dito maaaring makakuha ang miyembro ng mga benepisyo sa tamang panahon.

Ang pagkuha ng PRN ay maaaring gawin sa tatlong paraan: (1) sa My.SSS online account na makikita sa website ng SSS, (2) sa pagsasangguni sa mga collection part ners ng SSS, o (3) sa pagbisita sa anumang tanggapan ng SSS sa buong bansa.

Pagkatapos mabayaran ng mga miyembro ang kontribusyon gamit ang PRN, ang kanilang kabayaran ay agarang maitatala sa kanilang rekord at sila’y makakatanggap ng mensahe mula sa SMS na ito’y naitala .

SSS MEDIA AFFAIRS DEPARTMENT
(02) 9206401 local 5050, 5052-55, 5058
7th floor SSS Building, East Avenue,
Diliman, Quezon City

 

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or [email protected] gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending