‘Bangkay’ pumanaw na sa edad 71, pamilya humiling ng dasal

BANGKY

SUMAKABILANG-BUHAY na ang veteran character actor na si Jose Clemente de Andres o mas kilala sa mundo ng showbiz bilang si Bangkay. Siya ay 71 years old.

Kaninang umaga binawian ng buhay si Bangky sa bahay ng kanyang kaibigang si Mayor Bernard Tumagay ng Plaridel, Quezon, ayon na rin sa Facebook post ng kanyang pamangkin na si Powee Capino.

Kasabay nito, humihiling ang mga naulilang pamilya ng aktor na ipagdasal ang pagpanaw ni Bangkay.

“Please pray for the eternal repose of the soul of my Tito Nonong who passed away early this morning.

“He is more popularly known as ‘Bangkay’ in horror movies and ‘Bangkay’ in Forevermore.

“This is aside from the hundreds of movies and TV appearances he was in throughout his acting career. He was 71,” ang mensaheng ipinost ni Powee sa kanyang FB account.

Ang tinutukoy na Forevermore ni Powee ay ang dating primetime series ng ABS-CBN na pinagbidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil noong 2014.

Sa seryeng Forevermore din sumikat ang “loveteam” nila ng yumao na ring character actress na si Lilia Cuntapay. Parehong nakilala ang dalawa sa kanilang pagganap sa mga horror movies.

Huling napanood si Bangkay sa seryeng Bagani (2018) na pinagbidahan din nina Liza at Enrique.  Ang una naman niyang paglabas sa pelikula ay sa “Kisame Street” (1976) nina Dolphy, Panchito at Nida Blanca.

Read more...