Alden may hugot sa pagde-date raw nina Maine at Arjo sa Indonesia; na-hurt nga ba?


SA gitna ng balitang magkasama umano sina Maine Mendoza at Arjo Atayde sa Bali, Indonesia, isang quotation ang inilabas ni Alden Richards sa kanyang Twitter mula sa isang Warren Buffett.
“You will continue to suffer if you have an emotional reaction to everything that is said to you. True power is sitting back and observing things with logic. True power is restraint. If words control you that means everyone else can control you. Breathe and allow things to pass.”
Natuto na si Alden ng kalakaran sa showbiz na, “You cannot please everybody.” Walang mangyayari sa kanya kung lahat na lang ng tao, eh ipi-please niya.
Basta sa panig ng AlDub Nation, going strong pa rin sila at hindi matitinag sa anumang tsismis sa kanilang mga idolo!

Read more...