KC dinalaw ng BF sa Pinas, nagpakaligaya sa ‘secret waterfalls’

BUMISITA  pala sa Pilipinas ang boyfriend ni KC Concepcion na si Pierre-Emmanuel Plassart.
Sa Instagram account ni KC naka-post ang litrato nila ni Pierre kung saan makikitang nagtatampisaw sila sa isang falls. May caption itong, “Surprise trips. Secret waterfalls. Fun times. @peplassart!”
Ayon sa ilang followers ng dalaga, mukhang sa isang resort daw sa Batangas nagbakasyon ang dalawa. Marami namang nagpahatid ng kanilang positibong komento sa magdyowa at karamihan sa kanila ay nag-wish na sana nga ay natagpuan na ni KC ang kanyang “forever”.

Read more...