MAY bagong kuwento tungkol sa pagpasok sa mundo ng pulitika ng sikat na actor-TV host na si Willie Revillame. Hindi siya nag-file ng COC, kahit anino lang niya ay hindi nakita ng mga miron sa Quezon City, pero hindi pala du’n nagtatapos ang istorya.
Hanggang ngayon ay may mga nagsasadya pa rin kay Willie para imbitahan siyang tumakbo bilang mayor ng lunsod, puwede pa raw siyang makahabol sa pamamagitan ng substitution na hanggang sa November 29 pa maaaring gawin, ayaw pa rin siyang tantanan ng mga pulitiko ng Kyusi.
Nasa puso ni Willie ang pagtulong, dekada na niyang nagagawa ‘yun sa pamamagitan ng kanyang mga programa, pero ayaw siyang tigilan ng mga leaders ng Quezon City hanggang ngayon.
Sana raw ay mapag-isipang mabuti ng TV host na palawakin pa ang ginagawa niyang pagtulong sa kanyang mga shows. Mas marami raw siyang mababagong buhay kapag pinasok na niya ang pulitika.
Pero mas maraming kumokontra sa inilalapit kay Willie, ano pa raw ba ang kailangan niyang patunayan, samantalang nagagawa niya naman ang pagtulong sa kanyang kapwa nang wala siyang kahit anong upuan sa gobyerno?
“Siguradong sisirain lang ng politics si Willie, tahimik ang buhay niya ngayon, pero kapag pumasok siya sa politics, ‘yun na ‘yun! Mawawasak lang ang buhay niya, sa totoo lang!” madiin pang komento ng isang kaibigan ni Willie Revillame.
Willie pinipilit pa ring tumakbong mayor sa Q.C., may chance pa hanggang Nov. 29
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...