Colmenares: Paalala kay Du30, walang santong buhay pa

MAY nakalimutan umano si Pangulong Duterte nang sabihin nito na ang sambahin na lamang ay si ‘Santo Rodrigo’— wala pang nagiging santo na buhay.

Sa pagharap ni dating Bayan Muna Rep. Neri Colmenares sa Tusok Tusok Serye ng Bandera at Libre, natanong ito kung ano ang kanyang komento sa umano’y joke ni Duterte na si Santo Rodrigo ang sambahin.

“Ang kuha ko doon sa joke ni President Duterte kung joke man yun, siya ang sasantuhin siya si Santo Rodrigo nalimutan ni President Duterte ang mga santo patay na yun eh. Wala namang santo na buhay,” ani Colmenares.

Maaari umano na mayroong mga hugot si Duterte laban sa Simbahang Katolika ‘but the fact is sinabi niya yun at marami ang na-hurt doon’.

Nauna ng sinabi ng Malacanang na joke lamang ang sinabi ni Duterte na lasenggo ang mga santo.

“Kung joke man talaga yun hindi siya nakakatawang joke,” dagdag pa ni Colmenares.

Si Colmenares ay isa sa mga naaresto at tinortyur umano noong Martial law dahil sa pakikibaka. Sa kabuuang ay tumagal siya ng apat na taon sa kulungan.

Nang makalaya ay nag-isip-isip si Colmenares kung babalik pa ba siya sa kanyang adbokasiya.

At nakumbinsi siya na bumalik isang araw matapos na muntik masagasaan ang isang bata na nagtitinda ng kendi. Tinawag niya ang bata upang bumili at muntik itong masagasaan.

“Eighteen years old ka, kasi traumatic yan (torture) iniisip mo babalik pa ba ako sa ganitong advocacy di ba? Natakot ka rin, hindi naman kami Superman eh, but you know what, may isang bata na mga sigarilyo, mga chicklet, mga kendi-kendi, tinawag ko siya sa kabilang kalye siya, siguro mga seven years old, tumakbo siya palapit sa akin, muntik na siyang masagasaan, marami kasing trak doon sa amin, hindi naman siya (nabangga) konting-konti na lang, pagdating niya sa akin, putlang-putla siya tapos kamukha niya yung kapatid ko, so inisip ko a society that makes it children risk their lives just to sell a chewing gum, candy is a society that should not be allowed to exist. So nag-isip ako na kahit pa takot ako I have to persist na baguhin naman ang lipunan para naman ang mga katulad niya at mga anak ko in the future of course hindi na maranasan ang ganito,” ani Colmenares.

Naging inspirasyon din niya ang mga abugado na tumulong sa kanya noong nakakulong pa, kahit na wala siyang pambayad at minsan ay inuutangan pa niya.

Read more...