Kalat na: Maine sweet na sweet daw kay Arjo sa Bali, Indonesia | Bandera

Kalat na: Maine sweet na sweet daw kay Arjo sa Bali, Indonesia

Regee Bonoan |November 06,2018
facebook
share this

Kalat na: Maine sweet na sweet daw kay Arjo sa Bali, Indonesia

Regee Bonoan - November 06, 2018 - 12:15 AM

HABANG sinusulat namin ang kolum na ito ay wala pa sa bansa sina Arjo Atayde at Maine Mendoza na balitang magkasama raw na nagbakasyon sa Bali, Indonesia nitong nakaraang Undas.
Marami na ang naghihintay sa paliwanag ng dalawa tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.
Araw ng Linggo nang kumalat na sa social media ang mga litrato nina Maine at Arjo kasama ang kanilang mga kaibigan na kuha sa Bali, Indonesia. Doon nag-long weekend si Arjo para salubungin ang kanyang kaarawan kahapon, Nob. 5.
Marami ang naniniwala na mag-on na sina Arjo at Maine dahil hindi naman daw siguro sila magbabakasyon nang magkasama sa ibang bansa kung wala pa silang relasyon?
May mga grupo ng fans si Maine na nagpadala sa amin ng links kung saan puwedeng makita ang mga litrato nila habang naas Bali, pati na ang video ng villa na tinuluyan ng grupo, ang magandang pool at kung anu-ano pang amenities.
May litratong ipinadala rin sa amin tulad ng mga naglabasan sa mga pahayagan at showbiz website kahapon. Pero ang hindi pa lumabas ay ang litrato ng fiancé ni Sheena Halili na photobomber naman sina Maine at Arjo.
Ang sabi sa amin ng nagpadala ng litrato, “Maine is so sweet, recording videos of Arjo and picturing him.”
Kapansin-pansin na walang ipinost na litratong magkasama ang dalawa dahil, “They were protecting her (Maine) para iwas bash.”
Susme, e, kaliwa’t kanan na nga ang pamba-bash kina Maine at Arjo, ano pa ang kailangan nilang itago? Grabe rin ang mga ipinakaing masasakit na salita ng fans nina Maine at Alden Richards kay Arjo simula pa noong lumabas ang unang litrato nila habang nasa loob ng isang restaurant.
Oh well, sa pagkakaalam namin ay parehong walang pakialam sa bashers sina Maine at Arjo dahil katwiran nila buhay nila iyon at wala naman silang ginagawang masama at tinatapakang tao.
Huling tanong namin sa aming kausap na nagpadala ng mga litrato, ano ba talaga ang real score nina Arjo at Maine, “They’re officially on!”
Nob. 3 umalis ng Pilipinas ang grupo patungong Bali.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending