HERE’s the transcript of Tusok-tusok episode with Magdalo Rep. Gary Alejano on October 30, 2018.
BANDERA: Sir, describe mo nga sa amin pagiging sundalo mo, tapos yung unang sabak mo sa gera?
Alejano: Ang sundalo kasi, ine-expect mo talaga na sasabak ka. So, kailangan naka-psyche up kasi trained ka rin do’n e. Sa akin naman, well equipped naman ako siguro kasi nasa Force Reconnaissance of Special Operations ng marines. I’m a scuba diver, I’m a free faller, [I’m a] sniper. So, na hardened ako do’n. Tsaka mindset kasi ng sundalo is really to kill and destroy, but dapat hindi lang ‘yon e. Dapat may puso ka. Hindi natin maiiwasan na kapag bakbakan talaga, ‘yun ang fangs of war.
Kailangan maliwanag sa isip mo na may kalaban, you have to survive, [and] you have to protect your people. And that is for the service of the country. Pero tao lang tayo e, may kaba ka, pero ang kaba mo dapat, i-conquer mo. Dapat hawakan mo, kasi kung matakot ka – I am an officer – lalong-lalo na matakot ‘yung tropa ko. Lider ka e. Pag lider ka, nasa harapan. Hindi puwedeng lider [ay] nasa likod. So, nando’n ‘yung takot, pero along the way, nasasanay ka.
Kailangan mo gawin ‘yan kasi ‘yun ang trabaho mo para sa bansa. At para sa tropa mo. Nando’n, nag-aalangan pag lalo na pag may tinatamaan, pag may namamatay. Mataas ‘yung emotion mo talaga, but again, kahit mamamatay ‘yan, kahit masugatan, pero pag ‘yan ay para sa bansa, tanggap namin ‘yan.
B: Sir, speaking of bakbakan, puwede na po ba talaga kayong sumabak sa pagiging kandidato ng Senador?
A: [Sa] gera nga, ready e. Ito pa? (laughs)
B: What made you decide na tumakbo?
A: Ganito ho ‘yan, alam niyo naman nagrebelde kami e. Alam niyo naman nag-aklas tayo dahil meron tayong mga nakikitang problema na [sa] tingin naming ay walang solusyon. At napaka frustrated namin at the time kaya lumabas ho kami. Hindi naman naming sinabing excused kami sa batas. Napaka hirap ‘yung magtawid e. Sa totoo lang, sa lahat ng mga sundalo, lalo ‘yung mga nagrerebelde, may isang line na iko-cross ka na alam mong magba-violate ka ng batas, pero you have to do it kasi it’s between legal and moral. Legal– may maba-violate ka, magiging ilegal. Pero moral ba? Yes. Paniniwala namin. Itinawid namin ‘yun; napaka hirap – at the expense of your life, expense of your career, [at] the expense of your family.
Pero itong pagtakbo ko sa Senado, isang larangan lang ito ng pakikipagdigma– ibang klaseng pakikipagdigma, ibang klaseng battlefield. Noon ang kalaban mo talaga, harap-harapan, pwede mong barilin. E pero sabi namin, ang tunay na problema, sa polisiya sa taas, because this is a vicious cycle ng mga tropa, namamatay lang. Hindi naman nagkaroon ng sustainable national security policy n asana, nawawala ‘yung problema. E bakit ‘yung mga ninuno natin, mga seniors natin, kami, pati ‘yung mga ngayon, e gano’n pa rin ang problema.
Itong sabak sa Senado, I’ve been in Congress for almost six years, iba talaga ang politika. Ang hirap mag-adjust, pero if we want to see something different, we should do something different also. So, kaya nga in spite of the lack of resources, in spite of the lack of, you know, political machinery, sabak pa rin tayo dahil naniniwala tayo sa pinaglalaban.
Ang una naming tinitingnan, are you willing to serve, do’n kami. Resources- sunod na lang ‘yan. Kaya kami ho ay walang pinagkakautangan na kahit sino kun’di ang taong bayan. So, as long as the people need us, we’ll continue to stand up. Pag hindi na po, [ang] sarap ng buhay na tahimik. Gano’n ho kami e. Pero pagka tinatawag ka, you always repond to the people.
B: Sa tingin niyo, Sir, may chance ba kayong makapasok [sa Senado]?
A: Yes, ‘di ka pupunta sa gera na mag[pa]pakamatay. (laughs)
B: Sa gera ba, Sir, may nagtitinda ring fish ball do’n?
A: (laughs) Alam niyo sa amin, lalo na sa amin sa Force Recon, hindi kami nagbabaon kasi ng kanin, naka-sky flakes kami– sky flakes, sardinas. Kasi bawal ‘yung magluto, mag-uusok e. Kumakalampag ‘yung mga kaldero. Bawal so sky flakes lang kami kaya ang papayat naming noon. Siguro, kalahati lang ‘yung weight ko ngayon. Payat talaga.
B: Sir, sa Senado, as a [potential] Senator, anong mga major bills na ipu-push ninyo sa Senate?
A: Yes, alam niyo marami pa[ng] pwede. Ang legislative agenda ko ay, una, doon sa isang capable and reliable defense in our country, kasi it cannot be denied dahil nanggaling ako do’n, at ‘yun ang dahilan kung bakit kami nag-aklas. So, papatibayin natin ‘yun dahil dahil ang modernization ng ating armed forces ay meron na, ‘no– first and second, pero it should be a continuing process.
Pangalawa, there must be a self-defense– self-reliant defense policy. Hindi tayo pwedeng umaasa sa ibang bansa na dependent tayo sa ating external defense. Dapat tayong mag-develop na ng ating defense industry sa bansa na para makapag-produce na tayo ng sarili natin na hindi [tayo] umaasa sa iba. So, ‘yun lang ‘yung importante do’n at, of course, ‘yung ating national security policy strategy kasi paulit-ulit ang problema e, kasi (inaudible) involve ang ibang ahensya ng gobyerno – mga mayor, mga–. (video stops). And then, pangalawa, ito ‘yung ia-address natin ‘yung challenge sa (audio stops), especially now, ‘no, and also, internal security. Kasi, we have to modernize the Philippine National Police at maibalik natin sila sa tamang mandato nila, ‘cause I don’t agree with the War on Drugs right now– ‘yung pamamaraan, dahil nasisira ang institusyon. And also, I support peace process in the country because at the end of the day, military solutions are not the solutions to the problem. So, kailangan makipag-usap pa rin at matapos na, wakasan natin ang ano, susuportado ko ‘yan. And also, there must be a comprehensive strategy on how to address illegal drugs and criminality in the country. Hindi pwede ‘yung pabugso-bugso. Very short term, nasisira ang ating democratic–
B: Sir, sabi mo kanina kailangan natin mag-develop ng better national defense strategy, e palagi mo namang kinokontra ‘yung pino-propose nila, papano ‘yun?
A: Hindi, ganito ‘yan. Ang nakikita lang kasi, ‘yung mga polisiya na kumukontra kami, pero in fact, we support the other policies of the government which are not reported into public, katulad nitong modernization program, benefits with the armed forces, and then an gating revival ng ROTC, self-reliance defense policy.
B: So, ibig mong sabihin, pagka naglatag ng mas maayos na defense– national defense policy, pupuwedeng pumanig kayo do’n, hindi ‘yung panay kontra?
A: Yes, kasi ang aming oposisyon sa mga polisiya, nakabubuti sa bayan. Pag mabuti, bakit natin kokontrahin? Sa amin ho, hindi ho ‘yan. In fact, kami pa ‘yung author ng ibang polisiya na pinapasa ng gobyerno right now. National ID system, kami ‘yung co-author.
Ang ano ko lang doon, of course, minsan sa media kasi, ang nare-report lang is ano ‘yung opposing views niyo sa mga bagay. So, nare-report, parang kontra kami lagi. But in reality, hindi kami kontra sa pagbabago ng ating bansa sa development, kontra lang tayo sa polisiya na makakasira sa taong bayan. So, ano tayo, objective.
B: Sir, kunwari, ‘di ba ‘yung mga anak niyo, open po ba kayo na sumabak din silang magmilitar o mag-soldier?
A: Sa amin naman, palakihin lang namin sila ng maayos. Pagdating ng araw, kung anong nakikita nila’t nagugustuhan nila, suportahan namin. Kasi, ayaw naming– ako, actually, ayaw ng magulang ko na mag sundalo. Kasi nag (no man’s land?) sa amin noong panahon na ‘yun, 1989, so ayaw niya ‘yung parang ibala ako sa kanyon, pero hindi mo pwedeng pigilan ‘yung side ng anak mo, kasi pagdating nang araw magsisisi rin ‘yan. Magsisisi ka rin kasi hindi siya masaya doon sa kanyang ginagawa. So, kung saan masaya ‘yung bata, saan niya tingin ma[ka]kapag-express ng kanyang sarili, susuportahan namin ‘yan kahit na magsundalo siya, susuportahan ko siya.
B: Pero hindi po ba kayo natatakot, considering ‘yung mga experiences niyo din, ‘di ba?
A: Ganito lang ‘yan, ano. Kung walang magsisilbi sa bayan bilang sundalo at pulis, sino na lang? At tsaka, isang honor ‘yan sa pamilya na nagshe-share tayo ng magsisilbi sa bayan. So, hindi ho tayo – alam natin, aalagaan natin ang mga anak natin. Ang role ng magulang kasi is hanggang doon na lang. We should allow the children also to have their own direction in life, and we should always support them bilang magulang.
B: Sa dinami rin po ng naging experience niyo sa pagbabakbakan, kamusta ang mental health ninyo?
A: Yes, apektado rin talaga ‘yun, kasi, unang-una, depende kung gaano katibay ‘yung pananaw mo. May threshold kasi ang tao e. Kaya nga suportado ko ‘yun. Nag-co-author din ako sa mental health law kasi hindi uso sa Pilipinas ‘yun e. May debriefing after, psychological debriefing, kasi sa amin noon, ang sinasabi lang, “O sige, magbakasyon ka muna!” o “Inom muna tayo.” “Ano lang ‘yan, kulang lang sa inom ‘yan.” So, ang hindi natin alam, sa loob nila, may nangyayari na it also cause[s] problem sa pamilya. Kaya minsan, ang sinasabi, pagsundalo raw, maraming babae. ‘di ba? Kasi minsan, coping mechanism minsan ‘yan ng sundalo e. Kaya pagtibayin ang pamilya para nandoon ‘yung support base ng isang sundalo na ‘yung kanyang health din. Kasi ang ano ng sundalo, serve and serve, naka[ka]limutan ang sarili. So, ‘yun yung isang bagay na dapat ang mga sundalo ay naro-rotate din ‘yan kasi may stress din ‘yon. At we will pursue that policy.
B: Ano po ang inyong stress reliever? Ano pong mga hobbies niyo po ba? Ano pong ginagawa niyo bukod sa pagiging Magdalo Rep. sa Congress and then pagiging ama? Ano ‘yung gustong-gusto niyong ginagawa?
A: Sa akin kasi is ‘yung pagtuturo– discussion, kasi nga homeschooled kami, and ang isa pa ay, dahil homeschooled sila, nilalabas din namin sila, manonood lang kami ng movie, okay na ‘yun sa amin. ‘Di kami mahilig magbakasyon sa abroad. Siguro, in the past six years, baka mga tatlo o apat na beses lang kami naka[pag] bakasyon. As a family, parang dalawang beses pa lang e. Tapos ang isang hobby ko, of course, exercise. Pang-divert ng – so, you can commune with God while you’re jogging, while you’re walking. So, kailangan natin ‘yun pantanggal ng stress. Hiking? Malayo ‘yun e. Diyan lang sa loob ng subdivision. Sa Congress din, I play badminton, regular basketball. ‘Yun ang ginagawa natin.
Slambook Segment
B: Favorite movie?
A: Hindi ako masyado mahilig mag-ano, Brave Heart.
B: Favorite actor?
A: Hindi rin tayo mahilig sa Showbiz. Anybody.
B: How about food?
A: Food? Fish. Pwedeng paksiw. Maya-maya. Tulingan.
B: How about favorite book?
A: Favorite book? Itong bible. Okay ba ‘yun?
B: Who is your first kiss?
A: Mahirap na tanong ‘yun. Ito, ang unang first kiss ko, ang unang first kiss ko, lalaki. Hindi, kasi, kaya nga ‘yung kahalikan ko, nahihiya pa hanggang ngayon e. ‘Di, ganito kasi ‘yan. Sa PMA kasi, pag first year ka, bawal ang maingay, bawal ang mag-usap. Pag nahuli kayong nag-usap, papa-lips to lips kayo. Kaya ang hirap e. E ngayon, naglilinis kami ng CR. Dumating ‘yung upperclass[men]. “Sino ‘yung nagkukuwentuhan?” Tahimik lahat. E gusto ko nang akuin e, para wala nang problema. Sabi ko, “Ako.” Of course, may kausap ka. Namili na lang ako do’n e. “Siya ang kausap ko.” “Okay, lips to lips kayong dalawa.” Kaya nga nahiya-hiya– active pa, lieutenant coronel pa ngayon sa army. Hindi ko rin makalimutan.
B: Favorite cabinet member?
A: Ngayon? Well, si Sec. Bebot Bello, kaibigan ko ‘yan e; mabait, down to earth. So, naging kaibigan ko ‘yan.
B: Favorite na naging presidente?
A: Si President Fidel Ramos.
B: Bakit sir?
A: A, sa kanya kasi, very [stakes?] man, disiplinado. At the time, very peaceful ang bansa. May surplus pa tayo noong panahon na ‘yun e, 1994 to 1995. So, ‘yun [ang] makikita mong [stakes?] man. Hindi siya perpekto pero gusto natin sa isang lider, nakakaengganyo [at] nakaka-inspire sa lahat. Binibitbit ang buong bansa towards the– his vision in the future. So, ‘yun ang maramdaman natin, hindi pwede ‘yung galit ang lahat, may division, away-away, dugo, patayan. Hindi magandang atmosphere.
B: Favorite woman senator?
A: Si Miriam [Santiago].Very fighter sa mga bagay.
B: What’s your motto, Sir? Motto in life.
A: Talagang pang-slambook talaga a. ‘Yung sinabi ko kanina, “As long as your purpose here on earth is not yet done, you are immortal.” Kasi, alam mo, pag tapos na ‘yung purpose mo, mamaya pwede ka nang mamatay sa panaginip mo, walang sugat, ‘di ba? Pero pag binaril ka, kung di ka pa panahon, mabu[bu]hay ka.
B: Ngayon sa pagtakbo niyo, kung manghihingi kayo ng advice sa past heroes natin, sino [ang] gusto niyong kausapin?
A: Isa lang ba? Si Apolinaro Mabini. E nakikita mo ‘yung lalim ng isip niya e. At tsaka sa bansa, talagang ano. Of course, ‘yung warrior natin, kailangan natin si Andres Bonifacio. I did not also– I don’t agree na pinatay din siya, pero history na din ‘yun e. Kaya ‘yung Magdalo, ‘yung Bagong Katipunan is inpirasyon namin ang Katipunan noong unang panahon.
B: Kaya ba Magdalo ‘yun, Sir?
A: Yes.
Rate Your Balls Segment
Trillanes – 9
Kasi, hindi pa naman perperkto ‘yan e.
GMA – 3
She was responsible for detaining us for seven years. And, of course, no’ng panahon niya, talagang bugbog sa kurapsyon ang ating bansa. ‘Di dapat nating kalimutan ‘yun.
President Duterte – 2
Gusto ko ‘yung political will e. In fact, I was the one who recommended kay Senator Trillanes to talk to President Duterte– at the time, mayor Duterte. Gusto natin ‘yung may political will. ‘Yung moral values kasi, pag wala ang moral compass ng isang tao, kung anong skill, kung anong attribute ng isang tao, gagamitin niya, labas ang (inaudible).
Noynoy – 7
(No further comment)
Millennials – 6
Ang challenge kasi, mabilis ang buhay. ‘Yung values, nawawala e– anong meaning ng mga buhay. Mabilis. Pero hindi tayo nawawalan ng pag-asa sa ating mga future generation, kaya nga dapat ‘yung educational institutions natin, papatibayin natin ‘yun.
Generation X – 7
(No further comment)
Leni Robredo – 7
(No comment)