Boy payag maging opisyal ng gobyerno: After ng kontrata ko sa ABS-CBN

SIGURADONG tinutukan ng mga Vilmanians headed by Jojo Lim ang special birthday episode ni Lipa City Congresswoman Vilma Santos-Recto sa The Bottomline with Boy Abunda sa ABS-CBN last Saturday, Nov. 4, ang araw mismo ng kanyang kaarawan.
Gustung-gusto ni Kuya Boy ang mga naging pahayag ng Cong. Vi sa kanilang pag-uusap sa The Bottomline at humanga siya sa dedikasyon ng Star For All Season bilang public servant.
And speaking of public service, muling natanong si Kuya Boy ni Vice Ganda sa Tonight With Boy Abunda tungkol sa pagpasok niya sa politics. Prior to this, nahingan din namin siya ng pahayag tungkol dito.
“Wala, e. It’s not in my belly. Sabi ko nga, hindi naman ako mahiyain. Ang tagal nang itsinitsismis sa amin that I am running as governor, running for Congress. Ako naman talaga, hindi ko rin masisisi ang mga tao dahil sa aming pamilya ako lang ang hindi pumasok sa politika,” lahad niya.
Ang kanyang kapatid na dating Mayor sa Borlongan, Samar na si Manang Fe is running for Congress this coming election. Naging Mayor din sa bayan nila ang kanyang ina na si Nanay Lesing same with his father.
“So, public expectation of me going into politics is logical. Pero sinasabi ko, wala pa. Wala pa sa aking sistema. But an appointive position is something positive in the next years. After my contracts with ABS,” sabi ni Kuya Boy.
Matatapos ang kontrata niya sa Kapamilya Network sa 2020. Pero hindi pa raw siya nagsasara sa posibilidad na maupo sa gobyerno.
Keri naman ni Kuya Boy ang ‘di pumasok sa politika dahil kahit wala siya sa posisyon ay marami na siyang natutulungan. In fact, plano niyang magtayo ng sarili niyang eskwelahan.

Read more...