Bakit hindi ‘ginalaw’ ni hunk actor ang 2 ex-GF na aktres?

ISANG gabi ay nagkita sa isang showbiz party ang dalawang female personalities na nakarelasyon ng isang guwapo at sikat na aktor. Nagkahiyaan pa sila nu’ng una pero nang mamagitan ang isang common friend nila ay nabasag na ang katahimikan.
Una siyempre ang pagkukumustahan tungkol sa kanilang mga personal na buhay. Ang isa ay may asawa na at ang isa naman ay nakikipagrelasyon lang pero hindi na uli nagpakasal.
Meron silang common denominator na hindi nila puwedeng ipagkaila. Naging boyfriend nila sa magkaibang panahon ang isang sikat at guwapong aktor.
Mas naunang nakarelasyon ni Actress A ang guwapong hunk actor. Pagkatapos nang ilang taon ay si Actress B naman ang naging girlfriend nito.
Kuwento ng aming source, “Nu’ng gabing nagkita sila, du’n nila pinagkuwentuhan ang past nila, du’n nila pinagtawanan ang pinagdaanan nila.
“Ang nakakaloka, e, magkapareho pala ang dalawang aktres na nirespeto ng ex-boyfriend nila. Nag-compare notes kasi ang dalawang babae kung nagtangka ba ang guy na lumipad sila sa alapaap ng kaligayahan.
“Pareho silang umiling nang pagkalakas-lakas, ‘yung halos mapigtas na ang ulo nila sa sobrang pag-iling. Nakakaloka!” simulang chika ng aming impormante.
Mas madalas na nagkakasama nu’n ang guwapong hunk actor at si Actress A, maraming shows ng kanilang istasyon ang pinagsamahan nila, samantalang si Actress B ay minsan lang nitong nakakasama sa isang musical variety show.
Patuloy ng aming source, “Sa tagal nilang naging magkarelasyon, e, wala man lang nangyari sa kanila? Hanggang dinner date lang sila, hanggang sa panonood lang ng sine, hanggang du’n lang!
“Mas matindi naman si Actress B, ni hindi pala siya dinalaw sa house ng guy, hanggang backstage lang ng show ang communication nila.
“Nainip na sa paghihintay si Actress A, nag-asawa na siya, si Actress B naman, nakipag-fling na sa isa nilang kasamahan sa show.
“Ang tanong, kapag ganu’ng wala naman palang nangyari man lang sa guwapo at sikat na hunk actor at sa mga ex niya, e, ano ang ibig sabihin nu’n?
“Pakisagot nga, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio? Pakisagot, please!” pagtatapos ng aming source

Read more...