NIYANIG ng magnitude 4.2 lindol ang Surigao del Sur kaninang umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-5:21 ng umaga.
Ang epicenter nito ay 110 kilometro sa silangan ng Hinatuan. May lalim itong 14 kilometro. Sanhi ito ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar.
Walang inaasahang aftershock at pinsala ang pagyanig na ito.
MOST READ
LATEST STORIES