Horoscope, November 03, 2018

Para sa may kaarawan ngayon: Magtiwala sa iyong sarili, sapagkat ang taong buo ang loob, ang yaman at ligaya ay lubos. Sa pag-ibig, paligayahin ng husto ang kasuyo, pag hindi mo nagawa yan, sige ka baka maghanap pa siya ng iba? Mapalad ang 2, 17, 28, 34, 39 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Chandaya-Aum-Govinda.” Green at pink ang buenas.

Aries – (March 21-April 19) — Kung may nagawang pagkakamali wag ng uulitin pa! Habang nagpapakabuti lalong darami ang salapi. Sa pag-ibig, wag lokohin ang kasuyo sapagkat habang nagtagal pa ang inyong relasyon may magandang kapalarang kang makukuha sa kanya. Mapalad ang 5, 18, 32, 39, 41, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om.” Yellow at red ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Hindi dapat magtiwala sa mga taong madadaldal. Sa pinanasyal isipin munang mabuti bago maglabas ng salapi baka madaya ka na naman. Sa pag-ibig, pagbawalan ang kasuyo na makipag-transaksyon sa isang pandak na mataba. Mapalad ang 3, 15, 23, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jana-Om-Kaliyuga.” Orange at blue ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Iwasang mamintas sapagkat kung laging nakatikom ang bibig mas maraming biyayang makakamit. Sa pag-ibig, magiging maligaya ang relasyon sa iyong kasuyo basta’t lagi mo lang siyang pinupuri. Yon lang naman ang gusto nya, ang ma-appreciate mo ang kanyang value at halaga. Mapalad ang 9, 12, 23, 36, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Anilam-Om-Atram,” Silver at pink ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Malayo man ang mahal sa buhay, hindi dapat paalipin sa kalungkutan. Sa pagttiiis, malaking pag-unlad ang kapalit. Sa pag-ibig, iwasang gumawa ng ka-imoralan upang magtuloy-tuloy ang suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang 3, 16, 25, 34, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Upanisad-Aum-Jiva.” Red at beige ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Tandaang kung paano mo dinadaya ang iyong kapwa, ganon ka rin dadalayin ng iyong kasuyo. Maging tapat upang lalo pang bumuti ang kapalaran. Mapalad ang 7, 16, 23, 27, 34, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Yellow at lilac ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Magsisimula ng magdaratingin ang iyong suwerte. Sunggaban ang mga pagkakataong inaalok ng isang Scorpio. Sa pag-ibig, sa isang Libra makakadama ng mas masarap na romansa. Mapalad ang 5, 18, 23, 33, 38 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Gohan-Govinda-Gohan-Rama.” Blue at silver ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Elementong hangin ang taglay ng Libra, kaya habang lumalamig ang panahon at nagsisimoy amihan na ang hangin, mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang darating sa iyo buhay. Sa sandaling dumami ang malalaki at magagandang mga biyaya, wag kalilimutang bahaginan ang mga kamag-aank at kaibigan mong naghihirap sa kasalukuyan. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 38 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kurvan-Om.” Violet at red ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Sa susunod na mga araw, maraming kakaibang suwerte ang darating. Malaking halaga ng salapi ang mahahawakan na hindi mo dapat na agad-agad ubusin. Sa pag-ibig lalong sasarap ang pakikipag-relasyon sa isang Cancer. Mapalad ang 2, 7, 20, 29, 34, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Anilan-Om-Bastan.” Green at yellow ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Sa pinansyal tatabo ng malaking halaga sa mga produktong may kaugnayan sa kapaskuhan, modernong teknolohiya at sa pagkain. Sa pag-ibig, sa isang unipormadong nilalang, matatagpuan ang true love. Mapalad ang 5, 18, 27, 30, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Pad-Me-Om.” Blue at red ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Wag apurahin ang tagumpay, kusang darating iyan! Ngayon pa lang paghandaan na ang pagpasok ng taong 2019, sobrang dami ng mga biyayang matatanggap. Sa pag-ibig, sa taon ding 2019, iinit ng husto ang nanlalamig na pagmamahalan. Mapalad ang 5, 9, 18, 27, 33, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Om-Agara.” Silver at maroon ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Wag mapagod sa paghihintay. Ano nga ba ang halaga ng buhay, kung walang tunay at wagas na pag-ibig – sa takdang oras darating din ‘yan! Sa aspetong pang-pinansyal, unti-unti na namang madadagdagan ang income. Mapalad 7, 16, 23, 31, 38 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Om-Jhana-Om-Nama.” Red at green ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) — Hindi ka dapat mawalan ng pag-asa. Sa sandaling nalusutan ang kasalukuyang problema tuloy-tuloy na ring giginhawa ang buhay! Laging umasa kay Lord at matutong magpasalamat. Sa pag-ibig, unawain ang kasuyong maangas kaysa mag-away na naman kayo. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 28 at 35. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra.” White at beige ang buenas.

Read more...