Regine sa bashers ni Marian: Please guys, stop na

REGINE VELASQUEZ

Nakiusap na si Regine Velasquez sa kanyang mga followers sa social media na tigilan na ang pang-ookray kay Marian Rivera matapos mag-viral ang video nito habang kinakanta ang hit song ni Rihanna na “Unfaithful.”
Mapapanood sa video ang pagkanta ni Marian sa isang episode noon ng dating Sunday musical-variety show ng GMA na Party Pilipinas, (2013), mali-mali ang lyrics ng Kapuso Primetime Queen at wala rin sa tono.
Isang fan ni Regine ang nag-retweet ng meme ni Marian na may caption na, “Asia’s Quail.”
Nang makita ito ng Asia’s Songbird, agad siyang nag-tweet ng, “Please guys wag na, inaanak ko yun please at love ko sila so please stop na. Besides Hindi naman talaga singer ang lola nyo she’s an actress and very good one so please stop na.”
Inaanak ni Regine sa kasal sina Marian at Dingdong Dantes.

Read more...