Sharon balak uling magpabuntis kay Kiko: Nakaka-miss ang baby sa bahay

SHARON CUNETA

MAY “masamang” balak pala si Megastar Sharon Cuneta. Ito ang ibinandera niya sa kanyang Instagram kamakailan.
Ayon kay Mega, gusto pa pala niyang mabuntis at magkaroon ng bagong baby dahil hindi pa siya “menopausal”. Pero aniya, hindi raw niya ito sinasabi sa kanyang asawang si Sen. Kiko Pangilinan.
Ayon sa social media post ng singer-actress, “Since Kristina (KC Concepcion), my eldest daughter, I don’t know when she plans to get married or when God intends to give her a child and I really miss having a baby in the house [so] my plan, you might be surprised, I’m not menopausal. I still get my monthly visitor. My plan is not to tell Kiko and just get pregnant.”
Pinusuan ng libu-libong netizens ang post ni Sharon at karamihan dito ay nagsabing ipagdarasal nila na mabuntis siya uli.
Komento ng isa niyang follower, “Nakakatuwa ka naman talaga Mega dear. Sige wait namin ‘yang plano mo go.”
Sey naman ng isa niyang fan, “Wow! Really? Not on menopausal stage yet? Eh pwede pa pala eh kaso risky na at your age Shawie.”
Chika ng isa pang netizen, “We will pray na sana nga ay ma-preggy ka pa. Pero hindi kaya delikado sa health mo kung manganganak ka pa?”

Read more...