Rocco, Sophie game sa landian kahit parehong may dyowa

SOPHIE ALBERT AT ROCCO NACINO

Kapwa “in a relationship” ang status ngayon nina Rocco Nacino at Sophie Albert, na parehong napapanood gabi-gabi sa Kapuso series na Pamilya Roces.

Girlfriend ni Rocco ang volleyball player na si Melissa Gohing habang happy naman si Sophie sa piling ng aktor na si Vin Abrenica.

Pero sa seryeng Pamilya Roces, every night na naglalandian at naglalampungan sina Rocco at Sophie.

Patago nga lang ang kanilang relasyon dahil si Carla Abellana ang gumaganap na asawa ni Rocco sa nasabing GMA series.

Kung magdambahan nga sila sa kanilang lampungan scenes ay para bang wala silang iniisip na mga karelasyon, huh! Kaya naman kiliting-kiliti ang mga tao sa bawat eksena nilang nagnanakaw ng mga sandali.

Sa panig ni Rocco, kinakausap niya nang madalas si Melissa para ipaintindi ang mundong ginagalawan niya.

“She’s still understanding my world but I praise her always for being understanding and patient kapag may roles ako na ganito. Secured naman siya na for work ito,” rason ni Rocco.

Number one supporter naman ni Sophie si Vin kaya never itong nagalit o nagselos sa mga eksenang ginagawa niya sa Pamilya Roces.

“He’s always the one who pushes me and reminds me to always do my best. He knows din naman na work is just work,” saad ni Sophie.

Naku, abangan pa ang mas maraming pasabog ni Sophie sa Kapuso series lalo na’t binabansagan na siya ngayon ng mga manonood na kikay na kabit.

Read more...