Para sa may kaarawan ngayon: Unahing pakisamahan ang mga taong nakapaligid sa iyo, sa kanila ka huhugot ng lakas at suwerte. Sa pag-ibig, ilibre ang kasuyo ng paborito niyang pagkain upang matuwa naman siya sa iyo, tutal malapit na ang Christmas bonus. Mapalad ang 2, 7, 10, 19, 30, at 41. Mahiwaga mong mantra: “Quando-Et-Cui-Amor.” Blue at green ang buenas.
Aries – (March 21-April 19) — Ngayong nalalapit na ang kapaskuhan, wag maging magastos. Ang pag-iipon ang sure na paraan patungo sa pag-unlad. Sa pag-ibig, pagpasok ng Disyembre, unti-unti nang matitighaw ang pagkauhaw sa isang wagas at tunay na relasyon. Mapalad ang 1, 18, 28, 38, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Crede-Quod-Habes-Om.” Red at beige ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Anuman ang nangyayari, kumalmante ka lang. ‘Wag mong guluhin ang isip sa mga problemang hindi pa naman dumarating. Sa pag-ibig, alalahanin mong humihina ang katawan kaya samantalahin ang bawat araw na kapwa pa kayo malakas. Mapalad ang 9, 18, 21, 30, 42 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Veda-Rhata-Om.” Pink at orange ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Mabilis talagang maubos ang pera kaya konting tipid naman. Sa pag-ibig, matamlay ang kasuyo, abutan siya ng malaking halaga upang sumigla naman ang buladas ng kanyang pagmumukha. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 40 at 46. Mahiwaga mong manrta: “Bis-Vincit-Que-Victoria-Vincit.” Gold at white ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Ang pagkilos na mabagal ay hindi magdadala ng tagumpay. Bilis ang susi upang magkaroon ng maraming-maraming pera at makamit ang tunay na ligaya. Sa pag-ibig, kapag aali-aligid ang kasuyo sunggab agad. Mapalad ang 7, 19, 25, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Viam-Inveniam-Faciam.” Green at silver ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Darating ang suwerte at magandang kapalaran kung ngayon pa lang magsasabit ka na ng parol at Christmas light sa inyong bahay. Sa pag-ibig, sa anumang pang-dekorasyon lalong sasarap ang romansa kung gagamit ng kulay na pula at dilaw. Mapalad ang 8, 15, 24, 33, 40 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Cineri-Gloria-Sera-Est.” Bukod sa pula mapalad ang dilaw.
Virgo – (August 23 – September 22) — Iwaksi ang kayabangan, sa pagpapakumbaba, mas maraming salapi ang kikitain. Sa pag-ibig, ngayong kapaskuhan ay pabayaan mong masunod ang mga balak ng kasuyong maangas. Mapalad ang 4, 14, 17, 29, 33, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Dimidium-Facti-Qui-Habet.” Blue at green ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Sa pamamagitan ng masayahing aura, kikita ng malaking halaga. Panatiliin ang pagiging palangiti at masiyahin. Sa pag-ibig, lalong iinit ang relasyon kung pangingitiin din ang kasuyo sa pamamagitan ng matipid pero masarap na halik. Mapalad ang 5, 14, 27, 35, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Hahalakhak ako sa daigdig!” Red at beige ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Ituloy mo lang ang kasalukuyang pagsisipag. Tama ang iniisip mo, hanggang dumating ang araw ng kapaskuhan, malaki-laking halaga rin ang iyong maiipon. Sa pag-ibig, wag mo namang labis na anderin ang kasuyo baka makahalata na ‘yan! Mapalad ang 1, 13, 25, 33, 39, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aut-Vincer-Aut-Mori.” Lilac at yellow ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Bakit hindi mo magawang ipatupad ang magagandang balak upang lumago ang kabuhayan? “Now na!” ang peg at agad kang kumilos! Sa pag-ibig, kumbinsihin ang kasuyo sa isang venture na kikita kayo ng malaking halaga ngayong nalalapit na ang kapaskuhan. Mapalad ang 3, 12, 27, 29, 38 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Cras-Credemus-Om.” Green at blue ang buenas
Capricorn – (December 22 – January 19) — Kahit may malaking gastusin, maglaan ng pondo para sa pag-iipon. Hindi maganda ang mayabang, mauubos lang ang iyong pera. Sa pag-ibig, green ang kulay na magpapasigla ng suyuan. Mapalad ang 3, 8, 18, 27, 37, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Bis-Vivit-Qui-Benit.” Bukod sa green buenas ang gold.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Sa malayong pook matatagpuan ang magandang kapalaran. Umpisahan nang mangalakal sa iba-ibang lugar. Sa pag-ibig, paghandaan ngayon pa lang ang pagde-date ninyo ng kasuyo sa nalalapit na kapaskuhan. Mapalad ang 7, 19, 27, 35, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Nulli-Secundus-Nulli-Secunda.” Yellow at pink ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Ang pansamantalang pagkaubos ng salapi ang maghahatid sa lubos na pag-unlad sa darating na mga araw. Sa pag-ibig, ang kabiguan ngayon ay lihim na daan upang matagpuan ang isang mas maligaya at mas suwerteng kapalaran sa susunod na taong 2019. Mapalad ang 4, 7, 19, 24, 34, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Joviyo-Om-Krato.” Gold at lilac ang buenas.