Sam mas bagay maging kontrabida
Reggee Bonoan - Bandera November 02, 2018 - 12:20 AM
Napag-usapan namin ni Erickson Raymundo ang seryeng Halik kung saan kasama ang talent niyang si Sam Milby, puro kasi nega ang nababasa naming komento sa social media dahil sa sobrang sama ng karakter niya bilang manlolokong asawa ni Yen Santos.
“Nakakatawa nga ‘yung mga nababasa ko. Bagay kay Sam ‘yung ganu’ng karakter kaysa sa mabait. Siya rin naman mas gusto niyan. Pag mabait kasi ang role ni Sam, walang challenge sa kanya, kasi mabait talaga siya sa totoong buhay,” kuwento ng manager ng aktor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending