NIYANIG ng magnitude 3.6 lindol ang Davao Oriental kaninang umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-9:56 ng umaga.
Ang sentro nito ay 85 kilometro sa silangan ng Governor Generoso. May lalim itong 64 kilometro.
Wala namang napaulat na pinsala ang paggalaw na ito. Hindi rin nito napalaki ang alon ng dagat sa lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending