Horoscope, November 01, 2018

Para sa may kaarawan ngayon: A-Uno na at nagkataong holiday pa! Magiging maganda ang pasok ng buwan. Maguumpisa ng madagdagan ang suwerte at magdang kapalaran at magtutuloy-tuloy na ito hanggang sa Disyembre. Sa pag-ibig habang lumalamig ang panahon tuloy ang nakakikilig na relasyon. Mapalad ang 4, 8, 11, 17, 24, at 40. Mahiwag among mantra: “Agla-Aum-Aum”. Yellow at red buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Wag maghinala ng hindi maganda sa mga nakakausap, darating ang panahong isa sa kanila ang mag-aabot sa iyo ng malaking halaga. Sa pag-ibig, tiwala ang sangkap upang lalo pang lumigaya ang suyuan. Mapalad ang 6, 15, 27, 38, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Namo-Aum.” Pink at blue ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Ang maliit na kita sa kasalukuyan ay madodoble sa kinabukasan, ang mahalaga, manatili kang naka-smile! Sa pag-ibig, paligayahin ang minamahal sa pamamagitan ng matamis na halik. Mapalad ang 3, 6, 12, 14, 27, at 39. Mahiwaga mong mantra: “Adonai-Elohim-Shaddai.” Silver at purple ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Sa ikalawang linggo ng Nobyembre ituloy ang binabalak na lakad. Sa malayong lugar, makakatagpo ng dagdag na pagkakakitaan. Sa pag-ibig, maiibsan ang problema kung lalayo muna sa minamahal. Mapalad ang 5, 14, 32, 33, 39, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guro-Deva-Om”. Silver at lilac ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Kailangang magkaroon ng sariling negosyo, hindi nakapagpapayaman ang pamamasukan. Sa pag-ibig, tuloy ang panlalamig ng kasuyo, kailangang makagawa ka ng paraan upang siya ay muling mag-init. Mapalad ang 2, 16, 28, 34, 45, at 49. Mahiwa mong mantra: “Aum-Karaam-Om.” White at green ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Kahit maliit ang kita, darating ang panahong makaka-ipon ka rin ng malaking halaga, tipid-tipid lang ang kailangan. Sa pag-ibig wag umasa ng umasa sa kasuyo – mag isip ng sarili mong pagkakaperahan. Mapalad ang 4, 10, 28, 31, 40, at 45. Mahiwagwa mong mantra: “Niva-Araanam-Kebanam.” Blue at orange ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Wag gawing kumplikado ang mga bagay-bagay lalo na sa pag-ibig at aspetong pang-pinansiyal. Kapag nagawa mo yan, pa-simple-simple lang pero rock, mas maraming suwerte at magandang kapalaran ang darating. Mapalad ang 5, 19, 23, 36, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Veda-Rata-Om.” Lilac at gray ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Pahalagahan ang dalawang bagay, salapi at relasyon. Sa pag-ibig, wag baliwalain ang mga sweet message ng kasuyo, mag-reply ka naman kahit minsan. Mapalad ang 1, 17, 28, 34, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Agara-Sandhapa-Coronaria.” Blue at gold ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Hindi dapat pang hinaan ng loob. Sa pamamagitan ng tapang mas lalong kang yayaman. Sa pag-ibig, yong ayaw ng kasuyo mo, magiging gusto nya na rin alang-alang sa iyo. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Akaye-Om.” Green at orange ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Dating gawi, nagiisip ka na namang ma-shopping at mag ubos ng pera. Siguraduhin mo munang may ipon ka kahit papaano bago mamili ng mamili. Alalahanin mong mahirap kitain ang pera. Sa pag-ibig, isang nakakikilig na romansa ang magse-selyo ng maghapon. Mapalad ang 5, 14, 23, 29, 35, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Mira-Bilis-Mira-Colum.” Pink at white ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Wag magdalawang isip na tumulong sa mga nangangailangan, upang lalo kang suwertehin. Sa pag-ibig, sa isang charitable work makakasumpong ng true love. Mapalad ang 4, 17, 26, 32, 44 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Green at yellow ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Wag mong intindihin ang mga taong nagbibigay sa iyo ng kalungkutan. Panahon na upang mag-move-on. Lalo mong mahalin at pahalagahan ang iyong salapi, dahil sa bandang huli, walang ibang magmamahal at kakalinga sa iyo kundi ang sarili mo rin. Mahiwaga mong mantra: “Gayatri-Dosya-Om.” Pink at beige ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) — Iwasang magdesisyon ng nakabatay sa damdamin. Sa pinansiyal, utak at isip ang magpapayaman sa iyo. Sa pag-ibig, hindi dapat malungkot, dahil ang lahat ay lilipas din. Mapalad ang 7, 19, 28, 34, 41, at 46. Mahiwaga mong mantra: “This too shall pass!” Red at lilac ang buenas.

Read more...