Naging laughing stock si Marian Something after a video of her surfaced and became viral on the internet. Ang daming memes na kumalat, obviously taking a jab at the Kapuso Primetime Flop Queen.
In the video, Marian was singing “Unfaithful,” a hit song Rihanna. She sang it sa now defunct Party Pilipinas in 2013.
Nagmukhang katatawanan si Marian dahil hindi niya memorize ang lyrics at kung anu-anong words ang kanyang kinanta kaya naman lait to death siya mula sa netizens.
Ewan kung sino ang muling nag-upload ng video na lubhang nagbigay ng kahihiyan kay Marianita. Talaga kasing laugh to death ang mga nakapanood ng video. Ang paniwala ng netizens baka raw mga anti-DongYan ang nagkalat nito.
Usung-uso ngayon ang viral throwback video at isa ang video ni Marian na napagtripan na muling i-upload sa internet.