BALAK ni Paolo Contis na palakihin ang magiging panganay na anak nila ni LJ Reyes “the old school way.”
Ayon sa Kapuso actor, may matinding nerbiyos siyang nararamdaman sa paglabas sa mundo ng baby girl nila ni LJ dahil sa mga hindi kagandahang nangyayari sa kapaligiran.
“I just hope we could raise the baby na mas old school nang kaunti, masyado akong kinakabahan sa…ayokong tirahin ‘yung millennial term eh,” simulang chika ni Paolo nang makapanayam ng ilang members ng entertainment media sa presscon ng bago niyang pelikula, ang “Through Night And Day” under Viva Films kung saan makakatambal niya si Alessandra de Rossi.
Ayon pa kay Paolo, naniniwala siya sa equality ng mga babae at lalaki pero iba pa rin daw talaga kapag girl ang anak, “‘Yung equality ng babae at lalaki, may hangganan ‘yon. Women and men are the same when it comes to… they could work, they could ano, but I think women should be respected more, women should be treated right.”
Hirit pa ng aktor, “Siyempre ayaw mo lang may mangyaring masama. Ayaw mong may manggago sa anak mo. Makakapatay ka naman talaga, di ba?”
Ano ang feeling niya ngayong malapit na uli siyang maging daddy? “Pareho lang sa ‘kin ang excitement, meron lang kaba kasi matagal na akong di nakakahawak ng sanggol eh.”
Ibinalita rin ni Paolo na kumuha pa sila ng “new born class” bilang prepatasyon sa paglabas ng kanilang baby girl.
“Nag-new born class nga kami ni LJ two weeks ago kasi iba na eh, ang layo na ng gamit ng mga babies, pero sabi ko nga kahit si LJ kinakabahan magkaroon ng baby eh.”
Nakatakdang manganak su LJ sa January, 2019 at balak daw ni Pao na magpahinga muna sa showbiz para maalagaan ang kanilang baby, “Hopefully by January, I could rest so I could take care of them. Masaya kasi madaming nakasuporta, maraming well-wishers, ang daming excited for us.”
Samantala, inamin ni Paolo na grabe ang hirap na pinagdaanan nila ni Alessandra habang ginagawa ang pelikulang “Through Night And Day” sa direksyon ni Ronnie Velasco mula sa Viva Films.
Naikuwento ni Paolo sa mediacon ng movie kamakailan ang mga challenges na hinarap nila ni Alex at ng buong production sa shooting nila sa Iceland.
“Grabe! Tiring, very tiring talaga. It’s also the first time na matagal ako nawala sa Philippines that I had to leave LJ. So it’s very hard.”
Dugtong pa niya, “Medyo mabigat, pero siyempre understandable, work ‘yan, it’s a good opportunity. Kasi nung una nga pinaplano pa namin na sana magkakasama kami kaya lang siyempre habang tumatagal hindi na siya puwede umalis.
“May school din si Aki, so I made it a point na everytime we have free time, I talk to them, very supportive ‘yung team. Alam nila kapag naka-telepono ako alam nila si LJ kausap, kasi I have to check on them all the time,” aniya pa.
“The experience sa Iceland is very nice, beautiful place. Maganda ‘yung lugar pero at the same time hindi mo din maipakita maayos kasi ang daming tao. So pumili kami ng mga lugar na oo hindi kasing ganda, hindi kasing sikat pero less crowded kasi makikita mo ‘yung view,” lahad pa ng Kapuso comedian.
Promise ni Paolo, hindi lang ang magagandang tourist spots sa Iceland ang maibibigay nila sa mga manonood ng “Through Night And Day”, siguradong marami ring makaka-relate as kuwento ng mga karakter nilang sina Ben at Jen.
Kuwento ito ng magdyowa na bago magpakasal ay nagdesisyong magbakasyon sa Iceland, ang dream destination ni Jen. Pero sa halip na mas maging close sa isa’t isa ang future husband and wife, unti-unti silang sisirain ng kanilang mga eksenang hugot habang nasa ibang bansa.
Showing na ang “Through Night And Day” sa Nov. 14 sa mga sinehan nationwide.