Malditang aktres feeling superstar, may bitbit na bodyguard wala namang fans

MATAGAL-TAGAL ding hindi bumida sa mga blind items ang isang maganda at seksing aktres.

Sabi ng mga dating nakakatrabaho ng aktres ay mukhang nagbago na yata ang kanyang ugali, parang narorolyohan na siya ng kanyang karelasyong aktor, pero hindi pa rin pala.

Ang naturalesa pa rin niya ang lumulutang, may kamalditahan talaga siya, at walang pinipiling panahon ang kanyang pagmamaldita.

Kuwento ng aming source, “Ang feeling kasi talaga ng babaeng ‘yun, e, sikat na sikat na siya. Parang poste na siya ng entertainment industry. Parang hindi na mabubuo ang showbiz kapag nawala siya.

“Dati nga, nagdadala pa ‘yun ng mga security men niya kapag nagpupunta siya sa mga piyestahan. Wala siyang tiwala sa mga barangay tanod, with matching bodyguards talaga siya, para pangalagaan siya habang nasa venue.

“E, wala namang saysay ang mga security na dinadala niya, malayo ang loob sa kanya ng mga faney, wala namang nagkakagulo sa kanya. May mga bumabati naman sa kanya in fairness, pero hanggang du’n na lang ‘yun!

“Feelingera kasi siya, natungtong lang sa batok ng boyfriend niyang sikat, ang akala na niya, e, ganu’n na rin siya! OA ang kamalditahan niya, ha!” simulang kuwento ng aming impormante.

At may bagong drama ang malditang babaeng ito, meron na silang script ng kanyang PA at make-up artist, kapag may gustong makipag-selfie sa kanya.

“Hindi siya kumikibo, pero inilalayo siya ng kasama niya, tinatawag na raw kasi siya, kailangan na niyang mag-work. Ganu’n ang kadramahan ngayon ng napaka-feeling na girl!

“Ewan kung napapangaralan siya ng boyfriend niya kapag nag-uusap sila. Kahit palambing man lang sana, e, sabihan siya ng guy na huwag siyang masyadong nagmamaldita dahil wala naman siyang karapatan.

“Wala siyang nakakasundong katrabaho, palaging may nagrereklamo sa ugali niya, masyadong nagpapaniwala ang girl na sikat na sikat na nga siya!

“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, siguradong kilalang-kilala n’yo na kung sino ang babaitang ito na puwedeng magtayo ng negosyo ng patatim. Sinuwerte ba sa kanya ang boyfriend niya?” pagtatapos na chika ng aming source.

Read more...