Mikael Daez nag-propose na ba kay Megan Young?

MEGAN YOUNG, VICTORIA YOUNG AT MIKAEL DAEZ

BALITANG nag-propose na ang Kapuso hunk na si Mikael Daez sa kanyang long-time girlfriend na si Megan Young.

Nag-post kasi ang aktor sa kanyang Instagram account ng mga kulitan at landian picture nila ni Megan sa loob ng isang bedroom. Ilan sa mga litrato ay kasama pa ang nanay ng dating beauty queen.

Caption ng binata sa kanyang mga IG photo, “I tend to act like an over sized brown labrador around @meganbata and tita @victoriayoung60. Or should it be mommy @victoriayoung60 already!? I see no difference.”

Dahil dito, maraming netizens ang nagkomento na baka raw totoo ang chika na nag-propose na si Mikael kay Megan. In fairness, ilang taon na ring magdyowa ang dalawa at kasal na lang talaga ang kulang.

Narito ang ilan sa mga comments ng followers ni Mikael.

Sey ni @_iveemanosa, “Is this some kind of pamamanhikan na??? Waaaaah!”

Comment naman ni @hotvienna1987, “@mikaeldaez Diyan din papunta yan! Sa simbahan din ang tuloy!

Ang-swerte mo kasi Miss World and mapapangasawa mo ang napakagandang babae na si @meganbata She’s a pride of the Philippines! Forever Miss World! The best Miss World!”

Read more...