Sino ba naman ang matutuwa? | Bandera

Sino ba naman ang matutuwa?

Leifbilly Begas |October 31,2018
facebook
share this

Sino ba naman ang matutuwa?

Leifbilly Begas - October 31, 2018 - 12:10 AM

BAGO mo pa mahawakan ang suweldo mo ay ikinakaltas na ang buwis at bahagi nito ay napupunta sa pampasahod sa mga pulis na tiwali at abusado.

Hindi ko naman nilalahat dahil mayroon pa rin namang mga pulis na matitino.

Isa sa mga iiwanang legacy ni Pangulong Duterte ay ang pagtaas sa sahod ng mga pulis. Hindi lang basta pagtataas ang ibinigay ng Pangulo, dinoble niya ang sahod ng mga PO1—ang pinakamababang ranggo.

May pagtaas din sa mga mas mataas na ranggo, bagamat hindi doble ay ramdam naman nila ang naging dagdag.

Lumaki man ang sahod marami pa ring pulis ang hindi umalis sa paggawa ng pera gamit ang kanilang mga tsapa.

Kultura na talaga ata kaya mahirap ng mabago.

Kaya naman nakakakulo ng dugo na mabalitaan na ang pinapasuweldo mo ay gumagawa pa ng katarandaduhan sa serbisyo.

Merong napabalitang nanggahasa ng menor de edad na anak ng drug suspect,
nariyan ‘yung pumatay ng menor de edad na pinalabas na nagtangkang tumakas at kung ano-ano pang kwento.

Isa siguro sa iniisip ni Pangulong Duterte noong itaas niya ang sahod ng mga pulis ay titino na ang pagseserbisyo ng mga pulis, pero mukhang nagkamali siya.

Mukhang kultura na ang paggagawa ng katarantaduhan sa PNP.

Kaya isang hamon kay Duterte kung papaano niya patitinuin ang kapulisan.

Kung sa Bureau of Customs ay pinapasok ni Duterte ang Armed Forces para patinuin ang ahensya, ano kaya ang gagawin niya sa PNP?

 

Mukhang nainis na rin ang Pangulo sa BoC kaya ipinag-utos niya na ma-floating ang mga empleyado rito.

Para naman kasing dedma ang BoC sa kampanya ng Pangulo laban sa ipinagbabawal na gamot.

Noong una ay nakalusot ang P6.4 bilyong halaga ng shabu na itinago sa kitchenware at dinala sa isang warehouse sa Valenzuela. Si Nicanor Faeldon ang commissioner ng BoC noon.

Tapos kamakailan ay sinabi ng Philippine Drug Enforcement Agency na P11 bilyon ang halaga ng shabu na itinago sa magnetic lifter para makapasok sa bansa. Ang BoC chief noon ay si Isidro Lapeña.

Si Lapeña ay inilipat sa TESDA at pinalitan ni MARINA Administrator Rey Guerrero na dating Army chief.

Sa panahon ni Guerrero saan naman kaya itatago ang imported na shabu?

May tanong ang isang miron, kung imported ang shabu na ibinebenta sa bansa, papaano daw ipinapadala ang perang kinita sa pagbebenta nito sa mga nag-export? Naka-container van din ba?

Ngayong Undas alalahanin natin ang mga pinatay na hindi pa nabibigyan ng hustisya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Silang mga naagnas at kalansay na pero hindi pa rin nakakamit ang katarungan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending