Marian: Naniniwala ako sa huli, tayo’y huhusgahan sa laman ng ating puso!

MARIAN RIVERA AT MARIA TOMEN

SIGURADONG ikinatuwa ng Kapuso actress at Onanay lead star na si Jo Berry ang ibinigay na pagpapahalaga ni Marian Rivera sa mga “little people”.

Sikat na sikat na ngayon si Jo bilang si Onay sa Kapuso primetime series na Onanay kung saan gumaganap siyang anak ni Nora Aunor at nanay nina Mikee Quintos at Kate Valdez. Bilib na bilib ang viewers sa galing ni Jo bilang aktres kahit na baguhan pa lang siya.

Um-attend kasi ang Kapuso Primetime Queen sa 3rd General Assembly ng Big Dreams for Little People-Philippines kasabay ng pagdiriwang ng Dwarfism Awareness Month.

Sa isang video na ipinost sa Instagram account ng The DongYanatics, sinabi ni Marian na saludo siya sa galing at talento ng mga little people. Pinuri rin niya ang kabaitan ng mga ito, “Dahil para sa akin, yun ang pinakamatinding regalo sa atin ng Panginoon – kung ano ang nasa puso ng bawat isa.”

Sa kanyang Instagram account naman, nag-post ang misis ni Dingdong Dantes ng picture nila ni Maria Glorian Tomen, isang dwarfism awareness advocate.

May caption itong, “Naniniwala ako na sa dami natin sa mundong ito, may pagkakaiba man tayo sa KULAY, RELIHIYON, WIKA, KULTURA at minsan, HEIGHT, sa huli, tayo ay huhusgahan sa nilalaman ng ating puso. Kung paano tayo makikitungo sa kapwa, at paano natin magagawang mabuti ang mundong ito para sa lahat. Big dreams for little people!”

Samantala, isa rin iyan sa mga dahilan kung bakit talagang kinarir ng matagumpay na negosyante na si Ms. Rei Tan ang pagkuha kay Marian bilang endorser ng kanyang mga bagong produkto, ang Reverie By BeauteDerm Home.

Naniniwala ang batambatang negosyante na malaki ang maitutulong ng Kapuso Primetime Queen sa pagpapalaganap ng good news tungkol sa Reverie line of Beautederm Home that includes Into The Woods (Bamboo Scent), Smells Like Candy (Cherry Scent), Time To Bloom (Fresh Rose Scent), Something Minty (Eucalyptus Scent), and Rest & Relaxation (Lavender Scent).

“This is really my personal choice for me and my family. I am very grateful to Beautederm and to Ms. Rei for trusting me to represent this amazing line of products. Talagang ginamamit ko po ito sa bahay because I want only the best for my family. Sobrang fresh at nakaka-relax ang amoy ng bahay namin at gusto ko itong i-share sa lahat,” pagmamalaki pa ni Marian. Aniya pa, siya mismo ang pumili ng mga scent at packaging ng Reverie.

Read more...